Chapter 38

42 1 0
                                    

Harurot






Pahirapan akong naglakad pasulong kasunod nila Athena. Sa malawak na bakuran lamang ginanap ang party. Malawak din naman ang bahay nila ngunit mas maganda nga naman kung dito na lamang dahil sa ganito karaming tao. Hindi rin naman pahuhuli ang bakuran nila, lalo pa't nilagyan ito ng magagarbong disenyo.



The party is casual but screams pure elegance. Hindi kung sino-sino lamang ang mga tao. Kahit pa matagal akong nawala sa Pilipinas ay tiyak kong malalaking personalidad ang mga nandito. Maski ang mga simpleng mesa at upuan at hindi basta-basta. Aakalain mon gang babasagin ang nga silya dahil sa tumatama ritong mga ilaw, gayundin ang mesa.



Umupo kami sa isang mesa. I don't look like an outcast but I feel like one. Mukhang ang ibang mga narito ay kilala rin ni Athena dahil may biglaang mga tumatawag sa kaniya para mangumusta. Ang iba'y tinatawag pa siyang, "Architect!"



She looks so proud. Tama lang naman iyon. Naaalala ko pa ang mga rants niya about sa sandamakmak niyang plates pero ginagawa niya rin naman. She looks different. Acts different. Became more mature. But, still my bestfriend. This change is definitely satisfying. I am very happy for her.



There was a mini stage beside their new pond. Baka naman hindi iyon bago, sadyang wala lang iyon noong pumunta ako rito. Nagkaroon na rin sila ng mini garden. Noon ay puro malalaking puno lamang na pinalilibutan ang buong bakuran ang mayroon sila.



Everything's so simple yet exquisite. Mukhang pinaghandaan talaga ang araw na ito. Syempre naman, kaisa-isang anak ng mga Dela Fuego.



Everyone cheered when their tall double doors opened. Ipinakita niyon ang mga taong hinnihintay ng mga bisita. I believe it was Jace's parents. Nagtaka ako roon. Hindi ko pa man nakikita ang mommy niya ay alam ko na kaagad na mommy niya iyon. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit kasama ang Daddy niya.



Sa pagkakaalam ko ay hindi maganda ang ugnayan ng parents niya. Pero mukhang pinabubulaanan iyon ng nakikita ko ngayon. They look like a happy couple. Mukhang pinagtibay ng panahon at mga pagsubok sa buhay.



Sumunod sa mag-asawa ang matikas na si Jace. He looks proud and stiff. His eyes surveyed the crowd, mukhang may hinahanap. Nang hindi magtagumpay ay sumuko na lamang. Nahihinuha ko nang si Lorainne ang hinahanap niya, pero natigil iyon nang makitang sumusunod sa paglalakad niya ang dalaga. She looked like an angel with all her smiles while walking. Her elegant blue dress was swaying with her curled hair.



They sat on their own table that was set on the stage after their majestic walk. They were like a royal family while the whole crowd is cheering for them. They are obviously stunning.

She's That PaltryKde žijí příběhy. Začni objevovat