Chapter 30

41 1 0
                                    

Official






After ng lakad naming ni Lay ay umuwi na rin kaagad ako. Magaan ang pakiramdam ko pagdating sa bahay dahil pagrerelax lang naman ang ginawa namin ni Lay doon. Napag-usapan pa nga namin ang nangyaring research defense. Kinuwento naming sa isa't isa ang kaniya-kaniya naming karanasan pati na rin ang hinaing namin dahil sa kabang naramaman noong mga sandaling iyon.



Pag-uwi ko sa bahay ay ginawa ko rin ang mga performance task na kailangan kong maipasa. Maaga nagpagawa ang A.P subject namin para raw hindi siya sumabay sa mga iba pang subject. Maaga siyang nagpagawa pero iyong aabutin ka ng siyam-siyam bago ka matapos kaya parang ganoon din naman.



Ginugol ko ang buong weekends para roon. Buti na lamang at sinamantala ko ang pagyayaya ni Lay.



Kinabukasan ay naghanda ako para sa panibagong araw. Bihis na ako nang makababa at nakahanda na rin ang almusal. Gaya ng nakagawian ay inihatid ako ni Daddy sa school bago siya pumasok sa trabaho.



Nang makapasok ako sa room ay si Athena kaagad ang sumalubong sa akin. Nakataas ang kaliwang kilay niya at naninimbang. Lito ko namang kinuha ang cellphone ko dahil wala pang teacher at may kaniya-kaniyang mundo ang mga kaklase namin.



"Bakit hindi ka online buong weekend? Kakaiba yata 'yun, huh?!" maktol ni Athena.


"Busy ako..."



Totoo naman na busy ako. Kung siya ay hindi, edi nakakainggit naman kung ganoon.



"True ba 'yan? Baka naman umiiwas ka lang kasi nahihiya ka sa nangyari noong research defense niyo," akusa ni Athena.



Bigla ko tuloy naalala ang kapalpakan ko noong research defense namin. Para akong tangang hindi alam ang gagawin. Kung maibabalik ko lamang ang mga sandaling 'yun ay malamang na sinampal ko na ang sarili ko.



"Hindi... Ginawa ko 'yung sa A.P," hayag ko.


"Eh? Bakit noong tinawagan ka raw ni Jace parang nagagalit ka? Nag-aalala tuloy 'yung tao baka may nagawa raw siya..."



Kung ganoon ay kay Athena nga nagtanong si Jace. Habang tumatagal ay nagiging sutil na itong kaibigan ko. Huminga na lamang ako ng malalim at itinuloy ang pagkalikot sa cellphone ko.



"Oh? Hindi ka makasagot kasi totoo?" dugtong pa ni Athena.

She's That PaltryOnde histórias criam vida. Descubra agora