Chapter 44

42 1 0
                                    

Savor






Isang sabi lamang ni Jace na umuwi ako at mag-impake ay umuwi naman ako. Kung hindi ba naman ako tanga-tanga. Nagagalit pa ako sa sarili ko habang naglalagay ng gamit sa maleta ko pero ginagawa ko pa rin naman.



Hindi pa ako mapakali. Ayoko pa naman ng ganito dahil baka may makalimutan akong dalhin. Nalilito pa ako kung ano ang una kong gagawin. Kailangan ko pa kasing magpaalam kila Mommy. Baka magalit sila kapag nalaman nilang umalis ako nang hindi nagpapaalam.



Puro sweater pa naman ang dala ko mula New York. Hindi ko pa alam kung saan kami pupunta. Malay ko ba kung aling mga damit ang dapat kong dalhin?



Nagsettle na lanng ako sa kung anong mayroon ako. Dapat kasi ay mamimili ako ng damit sa mismong bakasyon na namin pero hindi naman nangyari iyon. Layas nang layas sila Mommy kung saan-saan.



Pagkatapos kong mag-impake ay binaba ko na ang lahat ng bagahe ko. Nagatalo pa ang isip ko kung maliligo muna ako at maghahanda bago tawagan si Mommy o tawagan ko muna siya bago maligo. Baka kasi matagal pa ang usapan namin at hindi pa ako nakakaligo ay nandito na si Jace. Hindi niya naman kasi sinabi kung anong oras siya darating. Nagagahol tuloy ako, e.



Tinawagan ko muna si Mommy. Hawak ko na rin naman ang cellphone ko, e.



"My, nasaan ka po?" bungad ko sa kaniya.


"Hi, baby. Magkasama kami ng Tita mo. Nasa Manila Hotel kami. Bakit? May kailangan ka ba? Magpapasundo ka ba?"


"Hindi po, Mommy. Uh..."



Sandali! Hindi ako nakapagrehearse! Oh my gosh!



"Bakit, baby? Wala ka na bang pera? Manghihingi ka ba?"


"No! Hindi po, Mommy!" agap ko.


"E 'di ano?"


"Uh... Aalis pa ako..." mahinang sabi ko.


"Huh?! Saan naman?! Saan ka pupunta?!" asik ni Mommy.



Sana naman payagan ako ni Mommy. Kasalanan din naman nila 'to kasi hindi kami nagbakasyon. Kung nagbakasyon kami, e 'di sana hindi na ako aalis.



"Magbabakasyon po sana..."


She's That PaltryWhere stories live. Discover now