Chapter 5

60 2 0
                                    

Ruin





Hindi ko alam kung magugulat ba ako o matatawa. Todo ang pagpipigil ko ng tawa pero nang hindi ko na nakayanan.



"Hahahahahaha!" Palahaw ko.



Pinapalo-palo ko pa ang mesa na kinalalagakan namin. Napatingin lalo 'yung mga estudyanteng kanina pa nakatingin. Mukhang mga naiinggit na partner ko ang pinapangarap nilang si Jace.



"Hahahahahaha!" Mas malakas pa na halakhak ko.



Naka poker face lamang siya sa akin. Para bang hindi siya makapaniwala na tinatawanan ko siya. Nando'n pa 'yung pagtaas niya ng kilay.



"Joke ba 'yun?" Natatawa pa ring sabi ko.


"Never mind. Ayoko rin namang kaklase ka," masungit niyang usal. Napatigil ako sa pagtawa, sinamaan ko siya ng tingin pero tumaas na naman ang kilay niya.


"Sama mo. Sakit mo magsalita," malamig kong usal.



Bumalik siya sa pagsulat at ako naman ay tinuloy ang pagkain. Bumili kasi ako ng paborito kong brownies bago pumunta sa Internal Lounge. Nagutom na rin ako dahil ang tagal nga namin kanina sa gymnasium.



"You have to be immune to my words. Or else, aalis ka rin. Aayawan mo rin ako," makahulugan niyang sabi. Saglit akong sinulyapan tapos ay nagsulat ulit.



Medyo nagulat ako dahil ito ang unang beses na nagsalita siya ng mga ganitong words sa akin. Natahamik na lang ako at inobserbahan siya. Sa sinabi niya kasi parang ayaw talaga sa kaniya ng lahat. E, kung tawagin ko kaya lahat ng fangirls niya?



"The time will come na magiging totoo ang sinabi ko. Magsasawa ka rin," dagdag niya pa habang nagsusulat.



Nagdadalawang-isip din ako kung si Jace ba talaga 'to. Alam niyo na, base kasi sa pagkakakilala ko sa kaniya, siya 'yung type na hindi magsasabi ng ganoon. Ang alam ko kasi mayaman siya, para sa akin nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Well... pwera na lang kay Lorainne.



Matamis ko siyang nginitian kaya napabaling siya sa akin. Umiling-iling ako bilang sagot sa sinabi niya. Kumuha ako ng isang slice ng Brownie at kumagat.



"Nagsasawa ang mga tao hindi dahil sayo, hindi dahil sa ugali mo. Kung 'di dahil sa kanila, dahil sa ugali nila. Hindi sila makuntento, dahil 'pag nakita na nila ang lahat ng meron ka, iisipin nila na 'yun at 'yun na lang. Paulit-ulit na lang. Kaya dapat ipakita mo na agad lahat, yung pangit at maganda sayo. 'Pag nagstay pa rin, 'wag mo nang pakawalan."

She's That PaltryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon