Chapter 8

54 1 0
                                    

Together






"Ang tagal-tagal mo naman, kanina ka pa," medyo naiiritang sabi ni Athena.

Ang gaga rin naman kasi, pupunta rito ng pagka aga-aga at aayain akong lumabas. Naniniguro siya dahil baka raw mawalan na kami ng oras kapag nagsimula na talaga ang research period at sasabayan pa ng ibang subject. Natutulog pa nga ako nang pumunta siya. Siya rin ang gumising sa akin dahil si Mommy ang nagpapasok sa kaniya at dumiretso agad sa kwarto ko.

Normal na naman 'yon. Welcome naman siya rito. Feeling may-ari rin ng bahay ang isang ito 'pag napunta rito.

Mamamasyal daw kami. Siya na raw ang bahala sa itinerary namin ngayong araw.

"Ako ang pinapagalitan mo e nasan na ba si Lay?" Tanong ko habang may suot na roba at tanging underwear lang ang suot sa ilalim habang namimili ng susuotin.

Oo. Himalang sasama sa amin si Lay ngayong araw. Ang huling sama niya sa alis namin ay nuong bakasyon pa at sinamahan kaming mamili ng gamit para sa school. Hindi ko alam kung anong nakain niya at sasama sa amin ngayon.

"Susunduin niya tayo mamaya kasama si Kuya Waldo. Kaya bilisan mo na dahil maya-maya lang nandito na sila."

"Oo na! Oo na!" Sikmat ko.

Nakakabwiset naman kasi e. Dapat sinabihan niya ako kahapon. Ayokong hinihintay ako at pinagmamadali dahil madalas na may nakakalimutan ako.

Hindi ko tuloy alam kung anong isusuot ko. Kung magma-maong short ba ako o skinny jeans. Ang dalawang 'yon ang pinagpipilian ko sa ngayon.

"Magshort ba ako?" Tanong ko pagkaharap sa kaniya.

"Oo. Nakajeans ako, kaya ikaw ang magshort," sagot ni Athena.

Sinuot ko ang short na gusto ko. Hindi naman ito sobrang ikli, one-third ng hita ko ay natatakpan. Ngayon naman ang pang-itaas ang problema ko. Ang gusto ko sanang kulay na isuot ngayon ay baby blue. Kaya tumingin ako sa closet ng mga kulay baby blue kong damit.

"Oy, gaga! Kala mo hindi ko alam na partner mo ang love of your life mo sa research?! Natupad na ang pangarap ni gaga! Yieeee!" Asik ni Meana.

Natirik ko ang mga mata ko dahil sa tinuran niya. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan na ito. Mahirap na.

"Ikaw, ha! Baka habang nagreresearch kayo e minamanyak mo na si Jace! Nako ka! Ang landi mo, Meana! Ang landi-landi mo!"

Nang makakita ako ng isang baby blue ang kulay, mabilis ko itong hinugot. Isa itong long sleeves polo pero off yung kaliwang shoulder.

My god! Kailangan ko pa itong plantsahin. Baka magalit na naman si Athena.

Awtomatikong tumaas ang kilay ni Athena nang ilabas ko ang plantsa at kabayo. Inayos ko ito at sinaksak ang plantsa.

"Ang arte naman! Okay na 'yan!" Sigaw niya.

"Gaga! Gusto mo bang magmukha akong pulubi dahil gusot-gusot ang damit ko?!"

"Oo na! Bilisan mo na!" Asik niya at bumalik na sa panonood ng T.V na nasa loob ng kwarto ko.

Prente lang siyang naka indian sit sa paanan ng kama ko. Naka high waisted skinny jeans siya at long sleeves cropped top. Pinaresan niya lang ito ng white Converse shoes na hinubad niya rin dito sa loob ng kwarto. Nahiya pa ang gaga, dapat tinapak niya na sa kama ko.

She's That PaltryWhere stories live. Discover now