Chapter 25

66 3 2
                                    

Gift






Dalawang araw na ang nakalipas mula noong birthday ni Jace. Noche Buena na mamaya kaya medyo abala na kami ni Mama sa bahay. Tumutulong talaga ako dahil marami ang gagawin, ang mga kamag-anak kasi naming mula Masbate ay pupunta mamaya. Sa ngayon ay nasa hotel sila tumutuloy, gusto man namin na dito sila ay hindi pwede dahil payak lang naman ang bahay namin.

Noong isang araw ay inikot namin ni Jace ang buong mall na pinagdausan ng book fest. Ang ilang mga awtor na kilala ko ay nakita ko, sayang nga lang dahil hindi ko nadala ang mga libro nila para napapirmahan ko. Si Jace ay gustong ibili ako ng libro at ‘yun ang papirmahan pero agad akong tumanggi.

“Nandito na rin tayo, bumili ka na,” ani Jace.

“Ayokong gamitin ang pera mo, sa’yo ‘yan, e. Mapagalitan ka pa gastos ka nang gastos,” katwiran ko.

“Pera ko ‘to, akin ‘tong sarili…”

“Bakit sino ba ang nagbibigay sa’yo ng pera? Hindi naman pwedeng napupulot mol ang ‘yan…” inirapan ko siya.

Para kaming mga sirang nag-aaway sa harap ng mga libro. Ang mga ibang dumadaan tuloy ay napapatingin sa amin. Akala ko ay wala na siyang sasabihin dahil talo na siya pero hindi pa pala siya sumusuko. Pinalagpas niya lang ang mga taong dumadaan at nagpatuloy na naman kami.

“Sa akin na ‘to! Binigay na ‘to sa akin kaya pwede ko nang gastusin sa mga bagay na gusto ko…”

“Edi gastusin mo para sa’yo. Bakit iintindihin mo pa ang sa akin?!” Bulong na pagkakasigaw ko sa kaniya.

“Kaya nga kita gagastusan!”

“Kaya nga hindi mo ako dapat gastusan!”

He inhaled so hard out of frustration. Mukhang hindi kami nagkakaintindihan. Ang gulo-gulo niyang magpaliwanag. Kaya nga pero gagastusan ako? Ano ‘yun?

Hindi talaga ako nagpabili sa kaniya. Hindi ko siya hinayaan na bilhan pa ako. Sapat na sa aking nakapunta ako sa Book Fest. Sapat na rin sa akin na may litrato ako kasama ang mga iniidolo ko. Masyado na akong umaabuso kung hahayaan ko pa si Jace na bilhan ako ng libro.

Pagkatapos naming mag-ikot ay umuwi na rin kami agad. Kailangang umuwi ni Jace nang maaga dahil may family dinner pa pala sila dahil birthday niya nga. Nakakahiya tuloy sa pamilya niya at wala siya sa kanila. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin, hindi ko tuloy alam.

“Kain ka muna, hijo,” ay ani Daddy kay Jace nang maihatid ako sa bahay.

Nagkatinginan kami ni Jace. Parang hindi siya makahindi kay Daddy kaya kailangan niyang maghingi ng tulong sa akin.

“Uh… Daddy, may… May family dinner pa po kasi sila Jace, birthday po kasi niya…”

Namilog ang mga mata ni Daddy nang marinig ang sinabi ko. Agad niyang hinarap si Jace at tsaka ito nilapitan. Ngiting-ngiti si Daddy nang makarating sa harap ni Jace.

“Happy Birthday, hijo,” bati ni Daddy.

“Thank you po, tito…”

“Happy Birthday, Jace,” bati rin ni Mommy.

“Thank you po, tita…” tugon naman ni Jace kay Mommy.

“Siya sige, baka hinihintay ka na sa inyo,” ani Daddy, tinatapik pa ang balikat ni Jace.

“Sige po. Thank you po,” dugtong niya pa at bumaling siya sa akin pagkatapos. “Meana…” tawag niya, bahagya pa akong napaigtad.

“Hm?” usal ko.

She's That PaltryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon