Chapter 21

53 4 1
                                    

Mr. Dela Feugo







Nabasag lamang ang katahimikan sa pagitan ng dalawa nang magsalita si Lorainne. She looks hesitant, though, at para bang iniingatan niya rin ang bawat salitang sasabihin. Mas lumakas ang pangingilabot ko nang lumabas mula sa mga bibig niya ang pangalan ni Jace.


“Jace…” She called him with her sweet but hoarse voice.


Jace remained silent. Hindi siya tumugon o anuman. Nanatili lamang siya’ng tahimik habang diretso ang malalamig na tingin kay Lorainne.


Somehow, I felt good na he don’t look interested or anything. Kumpara sa pinapakita niya sa akin kapag magkasama kami, ibang-iba ang lahat. Pakiramdam ko tuloy ay ang sama ko dahil nagugustuhan ko ang coldness niya sa ibang tao. Kapag gano’n kasi, pakiramdam ko iba ako at may kung ano sa akin.


Pinigilan ko’ng tampalin ang noo ko dahil sa mga naiisip. Ano ba ‘tong attitude na ‘to, Meana? Lahat kasi binibigyan mo ng ibig sabihin kaya nasasaktan ka…


Nakakatawa ako. Ilang beses ko na ba’g sinabihan ang sarili ko na huwag umasa? Ilang beses na ba ako’ng nagsabi na gusto ko na lang siya’ng maging masaya. Lagi naman gano’n, laging ako ang susuko sa sarili ko’ng pangako.


“Thena…” Someone from behind.


Nagkatinginan kami ni Athena dahil sa pamilyar na boses. Nahugot ko pa ang hininga ko, parang ayaw ng sistema ko ang naiisip ko’ng susunod na mangyayari. Hindi ko matanggap na masakit ang hinaharap.


Sabay kaming lumingon ni Athena. May ideya na kami kung sino pero ginusto naming makasiguro. Nang makumpirma na namin ay matigas ako’ng napalunok. Anon g ginagawa niya rito?


“Nakatambay na naman kayo rito? Pero bakit nandiyan lang kayo?” Dagdag ni Unique.


Agad siya’ng nilapitan ni Athena, dahil sa oras na lumapit siya sa amin ay malamang na makikita niya ang dalawa. Naisip ko’ng sana narinig man lang ni Lorainne o ni Jace ang boses ni Unique, hindi dahil gusto ko’ng maputol ang pag-uusap nila kundi dahil ayaw ko’ng makita sila ni Unique.


Medyo okay na siya pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na masakit. Alam ko ‘yun, hindi mo kailangan ng karanasan para malaman ang bagay na ‘yun. Kitang-kita ko ang saya niya noong kasama niya si Athena, pero may pagkakataong napapatulala na lamang siya sa kawalan at alam ko ang dahilan.


Bahagyang nangunot ang noo ni Unique nang mapansin kakaiba ang ikinikilos ni Athena. Ang panget umarte ng kaibigan ko. Shit…


“What’s wrong?” Agap na tanong ni Unique habang pilit siya’ng hinihila ni Athena.


“Come on, let’s eat. Sa cafeteria na lang tayo,” ay ani Athena.


“Huh? Pero nandito na ang pagkain niyo, dito na tayo kumain…” Natanawan ni Unique ang pagkain binili naming ni Athena sa cafeteria kanina.


“Meana, nagbago na ang isip ko sa food court na tayo,” baling ni Athena sa’kin.


Halata ang pagmamadali sa kaniya, mas lalo lang tuloy nalilito si Unique. Nanginginig ako nang buhatin ang parehong tray namin ni Athena, ingat na ingat ako’ng hindi mabitawan ang mga tray.


“Tulungan na kita, Meana,” alok ni Unique na ikinabigla ko.


No… Hindi pwede…


Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sinubukan pang pigilan ni Athena si Unique pero hindi niya na naabot ang kamay nito. Pigil ang paghinga ko habang papalapit siya sa amin. Umiiling pa ako habang papalapit ang nakangiting si Unique pero hindi niya man lang ‘yun napansin.


She's That PaltryWhere stories live. Discover now