Chapter 46

37 2 0
                                    

Miserable






Pagkatapos naming maghapunan ay bumalik din kami kaagad dahil kailangan pa naming maghanda para sa pag-uwi namin bukas. Mag-iimpake pa kami at mag-aayos ng ilan pang mga gamit, lalo na iyong mga isinuot namin. Hindi naman puwedeng iwan na lamang namin ang mga iyon dito at bumili ng bago pag-uwi.



"Ipalaundry na lang natin," Jace suggested.


"Okay..." I responded. I think that's more convenient since may iba pa kaming mga aayusin sa kwarto.



I took care of our essentials na nasa bathroom. Si Jace naman ang sa bagahe namin sa kwarto dahil napakagulo na no'n. Maganda na rin ito na may kaniya-kaniya kaming ginagawa para mas mapabilis ang trabaho.



Si Jace ang nagpresintang magbaba ng mga labahan. Sandali lang naman siyang nawala at nakabalik din kaagad. Ihahatid na lang daw bukas ang mga iyon bago kami umalis.



Truly, the next day our clothes were delivered straightly to our suite. Nakatupi na ang mga iyon kaya hindi na kami nahiriapang mag-ayos no'n sa luggage. Ilang minute lang at natapos din ako doon, pagkatapos ay naghanda na ako para sa pag-uwi namin.



Hindi na ako nag-abala pa masyado. Naligo lamang ako at nagbihis, kaunting ayos at kulay sa mukha. Pagkatapos ay handa na kaagad ako. Simpleng skinny pants at spaghetti strap top ang suot ko. Ang parehas na sandals naman na suot ko nitong mga nakaraang araw ang sapin ko sa paa.



Finally, my temporary paradise is over. Inaasahan ko na ito noong simula pa lamang. Ang tanging bagay na hindi ko inaasahan ay ang dala nitong kalungkutan.



Akala ko ay makukuntento na ako pagkatapos nito. Na hindi na ako hihiling pa at mananahimik na ako pagkatapos ng lahat. However, after experiencing euphoria, it seems like I didn't want it to end.



I should have known. This is how selfish I am. I promise things only to break them.



At the back of my mind, I wish for the time to repeat itself. To start over and over and to never end my time with Jace. But I could only wish. I know that's the least thing I could do. Because that will never happen.



Our time here is over. And that's it. No more repetition. No rerun. This is no movie. This is no Hollywood.



When it is done, we simply need to stop hoping for another round. If we do that, we'll be come miserable. We will become the sole proof that sadness comes after happiness. To break that curse, we must stop hoping. Instead, we should find another cause of happiness.

She's That PaltryWhere stories live. Discover now