Chapter 16

55 3 0
                                    

For Tonight




"I already told you, I do NOT like that," he repeated with emphasis.


"Well, I already told you, too. This is what I want," I mocked him.



I don't know why, pero natutuwa ako sa talim ng tingin niya sa akin ngayon. He's cold, no, he's like a living freezer but I kinda like him because of that. Well... Gusto ko naman talaga siya, 'di ba?


"Anything, but that," he's compromising.


I didn't respond. I want him to know that my decision is final. Dapat may isang salita ako rito. Hindi pwedeng pabago-bago.


"Come on, baby... Choose something else instead," alo niya.


Lumambot na ngayon ang ekspresyon niya. Sumuko na siya agad sa pataasan namin ng pride. I didn't expect that, though. Sa personality niya na alam ko ay makikipaglaban siya sa akin hanggang sa siya na ang pumili.


"Hindi, 'yun ang gusto ko," pagpupumilit ko.


I can imagine myself wearing the gown on the party. Pero, naiisip ko rin na baka naman mas bongga pa ang gown ko kaysa sa debutant. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Pero simple lang naman siya, kaya feeling ko hindi naman ako gaanong makaka attract ng attention. Ang assumera ko naman, kaya ako nasasaktan minsan, e.


"Is that what you really want?" Biglang tanong ni Jace kaya sinipat ko siya.


I can see that his eyes are telling me something else. He's like swimming deep down inside me. He's trying to find my deepest trench.


"Oo," mahinang sabi ko habang tumatango. Naalo na ata ako ng mga mata niya. "Jace, hindi pa pala ako nakakapagpaalam..."


Kanina niya lamang ako inaya. Ni hindi ko pa nga nasasabi kila Mommy at Daddy na sasama ako sa kaniya. Hindi sila strict pero hindi ko rin kasi alam kung papayagan nila ako.


They're letting me experience life. My teenage years are fine, because my parents let me breath. Isa pa, may tiwala sila sa akin. Syempre pa, alam ko ang nga limitasyon ko.


"Papayagan ka," sigurado niyang saad habang ang tingin ay nasa gown.


"Pa'no mo nasabi?"


Binalik niya ang tingin sa akin. He smirked.


"We'll get this," pukaw niya sa attendant.


Lumapit ang isang attendant. Inuto niya pa ako kesyo bagay daw sa akin ang damit at siguradong maganda ito sa complexion ng balat ko. Nginitian ko na lang siya. Bumalik ang kaba sa akin na baka sa party ay masyado akong agaw atensyon.


"You need to stay beside me throughout the party since you're wearing this," bulong pa ni Jace.


Wala sa sariling napalunok ako habang nakatingin sa kawalan. Giniya ni Jace ang kamay niya, hudyat na lalakad na kami. Hindi ko sinubukang isukat ang gown. Masyado akong nahihiya kay Jace. Tsaka gusto ko sa mismong araw na niya ng party makita na suot ko ang gown. Jusko! Mga iniisip ko!


Bahala na! Ipapatahi ko na lang kay Mommy kung hindi kasya!


Sinabi naman ng attendant na bumalik na lamang kami kung ayaw kong isukat. Pumayag ako sa gano'n kahit na pinipilit ako ni Jace na isukat ang gown. Hindi ako nagpatalo at sa huli siya na naman ang sumuko sa laban. Napangisi ako pagka ano.


She's That PaltryWhere stories live. Discover now