Chapter 22

56 5 0
                                    

Earphones







“Buti na lang pala maaga kami ni Lay. Tignan mo nga magbibihis ka pa lang,” atungal ni Athena nang makalabas ako sa banyo.


Nagkayayaan kami kahapon kaya ito na kami ngayon. Nalate ako ng gising, hindi kasi ako nakapag-alarm. Hindi ko rin naman nasabihan sila Mommy kaya hindi nila ako nagising, wala rin kasing pasok ngayon. Nalaman nga lang nila na may alis kami nang nasa pintuan na sila Lay at Athena.


Hindi ko alam kung saan ang lakad naming ngayong araw. Medyo hindi rin ako sanay na aalis kami kahit maraming ganap sa school. Pero hindi rin naman siguro ito masama, deserve naman namin ito.


“Talaga? Sabay kayo? Sinundo ka ni Lay?” Sunod-sunod ang tanong ko.


Tumatapang na ang loko. Medyo lumalakas na rin kasi ang kakumpetensiya niya. Mga lalaki talaga, mas pursigido kapag challenging, kapag naman bored na maghahanap na ng iba.


“Oo, madalas niya naman ako’ng sinusundo kapag may alis tayo ‘di ba?”


Hindi mo nga siguro talaga mapapansin ang effort ng isang tao kung hindi mo rin ma-acknowledge ang feelings niya. Much worse, kung hindi mo talaga alam. Bakit ba kailangang magkagusto tayo sa hindi tayo ang gusto? Bakit hindi tayo magustuhan ng mga gusto natin?


Maybe because we tend to like things that are not meant for us. We always want those who are out of our league. We think they live much better and we tend to get greedy and insecure that we’ll want them for ourselves. The truth is, no one is greater nor less. We’re all the same and I think we should love what we have more than what we want.


“Saan ba tayo?” pag-iiba ko ng usapan.


“Hindi ko rin alam, e. Si Lay ang may plano…”


Kung anoman ang pakulo ni Lay ay tiyak namang magugustuhan namin ‘yun ni Athena. Laging iniisip ni Lay kung magugustuhan ba namin ang mga desisyon niyang kasangkot kami. Alam niya naman ang mga gusto at ayaw naming kaya medyo madali na rin sa kaniya ang lahat.



Sinuot ko na lang ang hinanda ko’ng damit. Black spaghetti strap top at  denim jacket ang una ko’ng isinuot, pagkatapos ay sinunod ko ang denim ripped jeans ko. Ang White Adidas sneakers naman sa paa.



Minimal lang ang ayos ko, tiyak na maglalagalag kami. Pulbo at tint lang sa pisngi at labi, pagkatapos ay nag-abala pa ako sa pagcurl ng buhok ko gamit ang hair curler kahit na nagmamadali na kami. Pakiramdam ko tuloy ay nagrerebelde ako, ito ang unang beses ko’ng gagamit nito. Buong akala ko ay panget pa ang kakalabasan, pero satisfied naman ako sa naging resulta nang matapos ako.


“Ganda… Sa’n punta?” panunudyo ni Athena nang makalapit ako sa kaniya.


“Sa puso mo,” pagsakay ko sa biro niya.


Sabay kaming natawa sa mga kagagahan namin. Hindi ko nga lang inaasahan na bubwelta pa siya.


“Sa puso ko ba talaga?”


Nahinto ako sa pagtawa. Alam naman namin ni Athena kung sino ang tinutukoy niya. Hindi ko nga lang lubos na nagustuhan ‘yun. Bakit? Hindi ko rin alam. Parang gusto ko muna lumayo sa lahat ng tungkol sa kaniya.


Hindi ko tinugunan si Athena. Natawa lang siya nang irapan ko siya.


Nang makuha ko shoulder bag ko at mailagay ko sa loob no’n ang cellphone ko ay ang pagtayo rin ni Athena. Sabay kaming lumabas ng kwarto, naabutan naman namin si Lay sa sala. Prente siyang nasandal sa backrest ng aming sofa habang kinakalikot ang cellphone niya.


She's That PaltryWhere stories live. Discover now