Chapter 2

66 1 0
                                    

Silence Means Yes






Unique



She's all I ask for. My dream girl. Very much my ideal type. Siya iyong tipong masungit pero ang cute niya pa dahil dun. May pagka maldita kaya you have to cope up.



But all of that is okay as long as we're together. Although, hindi pa ko kilala ng parents niya since broken family sila. Tsaka hindi pa siya pinapayagan na magboyfriend. Kaya grateful ako dahil she took the risk for me. Kilala naman siya ni Mom and Dad at gusto rin nila si Lorainne para sa akin. Siguro pag dumating na ang tamang panahon, makilala na rin ako ng parents niya.



The day she said yes was the happiest day of my life. It was euphoric, and I was in a utopia. I felt like dreaming while sleeping on the soft clouds.



She said yes on Fomes Park, malapit lang sa school. After three years of courting her, finally. At last, she said yes. While we're sitting on the swing and enjoying each other's presence. She said that she's thankful to me for being patient. She noted that it was time for us. And when she uttered the words, 'Unique, sinasagot na kita. I'm now your girlfriend.' I felt like my ears were singing a piece of music made by the gods.



Sa totoo lang, hindi ko masisisi si Jace na nagustuhan niya si Lorainne. Jace and I dreamt of being with a girl like Lorainne. She knows her goals and she's good at what she loves. Kaya medyo hindi na talaga ako nagulat nang malaman kong may gusto rin siya kay Lorainne. Kahit noong una ay iba ang hinala ko. Pero dahil nga sinagot na ako ni Lorainne, nagpaubaya na siya. I'm thankful and may tiwala ako sa friendship namin.



Kami pa lang ang nakakaalam at ayaw niyang ipaaalam sa iba na kami na. Dahil baka malaman ng mommy niya, sigurado kaming ililipat siya ng school. Kaya hangga't maaari wala kaming sinasabihan.



Kaya ngayong may isang 'di ko kilalang babae na ang may alam, namuo ang takot at kaba sa akin.



"I told you to stop following me, didn't I?" matalim at malamig na sabi ni Jace sa babae.



Nakita ko ang takot sa mga mata ng babae. Sinusubukang ibuka ang bibig para sumagot pero walang lumalabas na mga salita. Pero, pinilit niyang ngumiti pero hindi siya nagtagumpay kaya nauwi yun sa isang ngiwi. Nagtaka ako sa tungo ni Jace sa kaniya, hindi ganito ang inaasahan ko.



"Wala akong narinig!" depensa niya. Tinaas pa ang kamay sa era na animo'y nagpapanatang makabayan.


"Do you think I would believe that?" malamig na sabi ni Jace.



Nagulat ako sa reaksyon ni Jace. Bakit iba ang pakikitungo niya sa babae? Makikita mo sa mga mata ang lamig na hindi matatalo ng Antarctica. Ano bang meron? Hindi ito ang akala ko.

She's That PaltryWhere stories live. Discover now