Chapter 27

58 4 0
                                    

Pupunta Lang Ako







Maaga akong nagising nang araw na ‘yun. Ikatlong araw na ng bagong taon. Hindi naman ako halos natulog dahil hindi naman ako makatulog. Ngayong araw kasi ang napagkasunduan naming pagkikita ni Lorainne.


Dapat sana ay kahapon pero sinabihan niya ako na may biglaan siyang appointment bago ang araw na ‘yun. Pumayag naman ako sa hiling niya. Mukhang importante dahil personal niya pa akong inabutan ng mensahe.


Nagtataka lamang ako kung saan niya nakuha ang numero ko. Hindi naman pwedeng mga social media accounts ko dahil nakaprivate ang mga accounts at informations ko. Hindi rin naman pwede kay Athena dahil naalala ko pa ang usapin nila kay Unique.


Pero baka naman kay Lay? Sila ang group sa research, e. Pero parang hindi rin dahil hindi naman ipamimigay ni Lay ng ganoon ang number ko. Kahit na sabihing mapagkakatiwalaan si Lorainne.


Ako na ang naghanda ng almusal ko dahil hindi pa gising sila Mommy. Nagluto ako ng pancakes at natimpla rin ako ng apple juice. Nilutuan ko na rin sila Mommy para mabawasan na ang gagawin niya ngayong araw.


Sobrang proud ako sa gawa ko, kahit pa hindi naman ito ang unang beses. Ang mga ganinitong maliliit na bagay ay nakakatuwa dahil parang inaalagaan mo talaga ang sarili mo. Tingin ko tuloy ang weird ko sa part na ‘yun.


Inakyat ko ang cellphone ko sa kwarto. Pagkatapos ay kinuhanan ko ng litrato ang almusal ko. Dumiretso ako sa Instagram para ilagay ito sa story ko.


Kung titignang mabuti, mas kumportable na ako ngayon sa paggammit ng social media kaysa noon. Simula noong private na ang account ko ay hindi na ako gaanong naiilang. Kampante akong malalapit na mga kaibigan lang ang nakakita sa mga posts ko.


Although, hindi ko pa natatanggal ang iba pang followers na hindi ko kilala. Ito ‘yung mga finollow ako dahil lang sa kay Jace. Hindi pa ako tapos pero kaunti na lang naman sila.


[me_ana ON IG STORY: breakie~]


Nang maipost na ito ay inumpisahan ko na ring kumain. Tulala ako habang nginunguya ang bawat sinusubo ko sa bibig ko. Natauhan lamang nang may magpop up na notification sa screen ng aking cellphone.


[jace_dlf replied to your story]


Ang bilis naman nito kakapost ko lang, e. Maaga rin siyang nagising? Nakakunot ang noo na pinindot ko ang notification.


[jace_dlf: You’re up early. I am having breakfast, too.]


Magrereply ba ko? Anong sasabihin ko?


Ilang sandal pa, napatango-tango na lamang ako nang makaisip ng mas magandang gawin.


[me_ana: 👍]


Nahawakan ko pa lang ang tinnidor. Ni hindi ko pa napapasok sa bunganga ko ang pancake ay may reply na agad siya.


[jace_dlf: What was that? Galit ka?]


Hala? Galit agad? Advance naman nito.


[me_ana: Huh? Anong galit? Bakit?]


Sa pagkakataong ito, hindi ko na nabitawan ang cellphone ko. Talaga bang nag-aalmusal na rin siya? Bakit ang bilis niya magreply?


[jace_dlf: Bakit like lang? Pwede na sana ang ‘eat well’ or sana man lang ginawa mong heart.]


She's That PaltryWhere stories live. Discover now