Chapter 10

51 2 0
                                    

The Moon, The Star, and The Sun




"Meana," rinig kong tawag sa'kin ni Dad.


Natulos ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Ang itulak palayo si Jace o ang daluhan si Daddy. Shems! Anong sasabihin ko kay Daddy?! Paano ko ipakikilala si Jace kung ganoon?


"You have to go," I muttered to Jace.


Napamaang na lang ako nang magsmirk siya sa'kin. What the hell? What was that for?!


"Jace, go!" I hissed.


Mabilis kong pinuntahan si Daddy. Kunot ang noo niya nang bumeso ako. Alam kong hindi sa akin ang tingin niya kundi na kay Jace. Parang kinakalampag ang puso ko nang maglipat ng tingin sa'kin si Daddy.


Oh no, Dad! You're having the wrong idea! Shit!


Hindi naman strict si Dad. Pero syempre, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Isa pa, alam kong iba ang iniisip niya at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kan'ya ng wala siyang maiisip na ibang ideya. Pero, ano? Magsisinungaling ako? I think that's a no. Mas magiging complicated. Siguro naman ay makikisama si Jace dahil si Dad ang kasama ko. Wish ko lang!


"Hey, honey. Who's him?"


Kinakabahan akong ngumiti. Pero cool lang dapat. Walang masama, okay. Wala akong ginagawang masama. Si Jace lang naman 'to.


Nagsimulang lumakad si Dad pasulong kaya gano'n din ang ginawa ko. Nakatalikod pa rin si Jace kaya ng kung paano ko siya iniwan kanina. Naramdaman niya siguro ang paglapit namin ni Daddy na naging resulta ng paglingon niya. Oh no!


Gumuhit agad ang mapanuksong ekspresyon sa kaniya. Ang ngisi niyang iyon ay nakakapanindig balahibo. Nangangatog tuloy ang mga binti ko. Pakiramdam ko anumang beses ay mabubuwag ako sa pagkakatayo.


"Schoolmate ko po, Dad. Si Jace po," pilit na magtunog kaswal ang pananalita ko.


Tumaas ang kilay ni Dad. Nahugot ko ang hininga dahil sa ipinapakita nilang dalawa. Gusto ko na lang tuloy tumakbo at magtago. Hindi ko ata makakayanan ito. Iba e. Kahit kailan ay hindi ko naimagine ito. Dahil na rin sa hanggang daydream lang ang mga ganitong pangyayari.


Ang eksenang makikilala ng taong gusto ko ang mga magulang ko ay sa isang magandang panaginip lang. Kahit sa panaginip ay mangangatog siguro ako dahil nga hindi ko ito napaghahadaan dahil 'yon ay isang pangyayaring imposible pa kaysa ang maulit ang nakaraan. Gano'n 'yun ka imposible na hindi mo makikinitang mangyayari. Kaya ngayong ganito, blanko ang utak ko.


Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Napagtanto kong may kakaibang saya sa loob ko. Alam kong dahilan iyon sa hindi maipaliwanag na pagkakataon na 'to. Pero syempre, nananaig ang kaba. Kinakabahan ako dahil unpredictable ang mga mangyayari.


"It's almost seven so... Good evening Mr. Pagiano. I'm Jace, Jace Nimrod."


Hindi ko alam kung nagyayabang ba siya dahil siya si Jace o siya si Jace kaya gano'n talaga ang way ng pananalita niya. Para bang nagmamalaki pero hindi niya intensyon 'yon. Mas kinabahan tuloy ako. Parang ayaw 'yon ng loob ko dahil gusto kong magustuhan siya ni Daddy. Ano ba itong iniisip ko?!


"Nimrod? Is that you're family name? American?" Sunod-sunod na tanong ni Dad.


Jace chuckled. Napalunok ako dahil para talagang ang yabang niyang magsalita. Hindi naman siya gan'yan kapag kami ang nag-uusap. Mukhang masyado ata siyang nasisiyahan. Ayoko ang paraan ng pagdiriwang niya ng kasiyahan kung gano'n. Bakit pinapairal niya ang gan'yan gayong nasa harapan niya si Dad?


She's That PaltryWhere stories live. Discover now