Chapter 29

43 4 0
                                    

Let Him






"Galingan mo, gurl! Masasama sa kamalasan mo si Jace kapag nagkataon!" malakas na linyata ni Athena.



Nagpasama ako ngayon sa kaniya sa girl's room para magpalit ng damit. Ngayong araw na ang oral defense namin. Si Jace pa talaga ang nagdala ng damit na 'to papunta rito sa school. Noong binili kasi naming ito kagabi ay naisipan niyang hassle daw kung sakali. Hindi nga dapat ako papaya, pero alam ko namang makulit ang Dela Fuego'ng 'yun. Kaya naman hindi ko na sinayang ang laway ko para makipagtalo pa sa kaniya.



"Wala siyang choice..." umirap pa ako habang sini-zipper ang itim kong slacks.



Hindi tumutulong ang panginginig ko sa sitwasyon. Nahihirapan pa tuloy akong i-zipper 'tong pantalon na 'to! Buti na lamang at nakaraos din ako kaagad. What a relief! Ang init doon!



Paglabas ko ay nakadantay lamang si Athena sa gilid ng pinto ng cubicle. Pawis na pawis ako pagkalabas. Agad namang ginawa ni Athena ang magic niya at nilagyan ako ng kolorete sa mukha.



Between the two of us, she's the one who knows how make ups and glams work. Ako ay walang kaide-ideya sa mga ganoon. Hindi rin kasi ako nahilig. Pero ngayon narealized ko na kailangan pala siya sa buhay. Paano na lang kung may job interview ako sa hinaharap? Kailangan pa bang si Athena ang gumawa nito sa akin habang buhay?



Sa buong proseso ay nakita ko kung paano magkakulay ang bawat lalim ng mukha ko. From my eye lid's crease to the angle of my jaw. Athena made it perfectly. It looks like it was made by a professional. Hindi ko alam kung namamangha baa ko dahil wala akong alam sa mga ganito o sadyang mahusay lang talaga si Athena.



"That will do," anunsyo ni Athena at nag-ayos na ng mga kinalat niya sa sink. "Baka malimutan pa ni Jace ang research niyo at bumagsak kayo..."



Inirapan ko siya pero tinawanan niya lamang ako. Sa dulo ng pag-ikot ng mga mata ko ay nahagip ng paningin ko ang necktie na kasama nitong buong suit. Sayang naman kung hindi ko ito susuotin.



"Thena, marunong ka?" Inumang ko pa sa kaniya ang necktie.


"Hindi..." mabilis na sagot niya.



Bumagsak ang balikat ko sa sagot niya. Natapos na rin kaagad si Athena kaya binalewala ko na lamang. Naghanda na kami sa paglabas. Isinukbit ko ang bag ko, mabilisan kong inayos ang nakalaylay kong buhok dahil naiipit ito sa pagitan ng bag at likod ko.



Hawak ang necktie sa kaliwa at ang research paper naman namin sa kanan, lumabas kami ng girl's room ni Athena. Doon mas nangibabaw ang kaba ko. Ang ingay ng campus ay nakikisabay sa tibok ng puso ko. Parang noong narinig ko 'yun ay hinila ako nito sa reyalidad na totoong ngayon na ang defense namin.

She's That PaltryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon