Chapter 13

68 5 1
                                    

Date

"Can we start?" Ngiting tanong ni Jace.




"Uh-oo," agarang sagot ko.




Nilahad niya ang kamay niya sa'kin, sandali ko pang tinitigan 'yon dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Nagtataka ko siyang tinignan, inginuso niya ang mga papel na hawak ko. Mabilis kong binigay sa kan'ya ang mga 'yon nang mapagtanto na mag-uumpisa na nga pala kami. Natawa na lang siya kaya napayuko ako sa kahihiyan.




Naging maayos naman ang discussion namin. Nagpractice rin kami ng kaunti para kung sakaling may itatanong sa'min. Mamaya na kasi kami magpapasa, sabi niya magpasa na raw kami. Umoo na lang ako dahil nga hanggang ngayong linggo na lang 'to. May mga pagkakataong nauutal ako dahil sa tuwing seryoso akong nagsasalita ay grabe naman siya kung tumitig, kaya naiilang ako. Fluent English dapat kami mamaya, kaya nagsasanay na kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang siya makatitig nagsasalita lang naman ako.




Nang tumunog na ang bell ay nagkatinginan pa kami. Pagkatapos ay sabay kaming nagligpit ng mga gamit. Maayos kong nalagay ang Research notebook ko sa bag, mas nauna siyang natapos dahil konti lang naman ang liligpitin niya. Na sa'kin kasi halos lahat ng mga papel namin sa Research.




Nakatayo siyang naghihintay sa'kin at nang matapos ako ay tumayo na rin ako. Ilang sandali pang walang gumagalaw sa'min, sinundan ko lang siya nang nauna siyang maglakad palabas. Medyo malayo na kami sa Cafeteria nang huminto siya kaya napahinto rin ako. May ilang metro ang layo ko sa kanya. Napaigtad na lang ako nang lingunin niya ko.




"Faster," he commanded.




Tumango ako. "Oo, sige," tugon ko.




Hinihintay ko siyang maunang maglakad pero hindi niya ginawa. Hindi ako makatuloy dahil hindi rin naman siya tumutuloy pa. Ayoko kasing mauna o sumabay sa kan'ya. Tama na 'yung mga nauna, pakiramdam ko wala akong karapatan. Pakiramdam mo masyado na kong sumosobra. Hiniling kong maulit ulit 'yon pero nang maisip ko ay napagtanto kong ang kapal naman pala ng mukha ko. Hindi ko alam, bigla ko na lang naramdaman.




"Come here," he authoritatively said.




Napalunok ako sa inutos niya. Nag-aalangan ako at kinakabahan. Ayaw ko siyang sundin, hindi ko alam. Siguro dahil natatakot pa rin ako. Baka sinisisi niya talaga ako, baka magalit siya sa'kin at palayuin niya ako. Natatakot ako sa mga pwede niyang sabihin. Ayaw kong makarinig ng kahit anong masasakit na salita sa kan'ya. 




"Meana, come near me," he repeated.




Kahit kinakabahan, nanginginig ang mga binti, at dumadagundog ang loob ko, pinilit kong lumapit sa kan'ya. Diretso niya kong tinitignan kaya mas hinihila pa ko ng mga mata niya. Nang halos makalapit na ko sa kan'ya, nagulat ako nang higitin niya ko. Pagkatapos ay mabilis na naglakad kaya nagpatianod na lang ako sa kan'ya.




Habang hinihila niya ko kung saan ay habol ko ang hininga ko. Mabilis ang lakad niya at halos tumakbo na ko dahil sa malalaking mga hakbang niya. Nagulat na lang ako nang may marinig kaming tinig mula sa likuran.




"Jace!" Rinig kong sigaw ni Lorainne.




"Don't look back," he rigidly muttered.




But I didn't oblige, I looked back only to see Lorainne burning with rage. She looks pissed and annoyed. She looks like someone else, like someone turned her to someone she's not or this is just another side of her? A side which she doesn't let anyone see. What is this? What am I seeing?




She's That PaltryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin