Chapter 12

61 2 0
                                    

You're Not That Kind





"Talaga sa bahay niyo nagdinner si Jace?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Athena.




"Shh..." Pagpapatahimik ko sa kan'ya. Luminga-linga pa ako para matingnan kung may ibang tao.




"Wala namang ibang tao rito. Tayo nga lang may lakas loob na tumambay dito sa building na 'to e," pagdadahilan niya pa.




"Eh, ang lakas ng bunganga mo," bwelta ko.




Pabiro niya pa kong inirapan. Napailing-iling na lang ako. Si Athena ang una kong pagsasabihan, kahit naman may pagka madaldal siya eh alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko siya. She's my friend for fuck sake!




"Pero mabalik tayo, roon nga sa inyo nagdinner si Jace kagabi? Ano? Masaya ka?"




Nakakagulat na hindi ki nahimigan ang panunukso sa boses niya. Parang curious siya pero seryoso at the same time. Para bang gusto niya talaga alamin ang naramdaman ko.




"Oo. Pero iba e," mahinang tinig ko.




She immediately creased her forehead. I bit lip afterwards for I don't know how to explain her how I felt last night. Truly it was a dream come true, but then, it also felt bad.




"I felt like after that happiness I know na lungkot 'yung kasunod, parang gano'n. Parang hindi saya ang pinakahuli kong mararamdaman." Mapait akong ngumiti.




Kakaiba ang saya na dinudulot sa'kin ni Jace. Kakaiba ring lungkot ang binibigay niya pagkatapos no'n. Hindi natatapos saya lagi ang lahat sa tuwing siya ang pinag-uusapan. Laging lugmok ako, pagkatapos kong malugmok, pasasayahin niya ulit ako.




Paulit-ulit lang at sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ako nagsasawa. Naasiwa ako dahil kahit kailan hindi ako napapagod. Sinusubukan kong kalimutan ang lahat ng sa kan'ya, pero hindi e. Sa huli, mas lalo ko pa nga'ng naaalala. Sinusubukan kong bitawan siya, pero sa tuwing gagawin ko 'yun, ako ang mas lalong nahuhulog.




"Mahal mo si Jace 'di ba?" Biglang tanong ni Athena.




Diretso ko siyang tinignan at pinapanood niya naman ang reaksyon ko.




"Napapansin ko rin naman na hindi kagaya ng dati, iba na ang mga pinapakita niya sa'yo. Nakikita kong mas nagiging malapit kayo. Ang tanong ko lang, anong nagtulak sa kan'ya? Bakit hindi noon? Bakit ngayon lang? Bakit no'ng tsaka ka pa lang bibitaw, papasok siya'ng bigla?" Tunog nangangaral at nagbibigay ng advice si Athena.




Matagal-tagal na rin simula no'ng huli kaming nag-usap nang ganito. Naisip ko na rin ang mga sinabi niya noon.




"Sabi niya nalilito siya. Nililito ko raw siya. Siguro, napapaisip siya kung ako ba o si Lorainne. Pero sure naman ako-"




"Na si Lorainne?" Singit ni Athena.




Napayuko ako, may ngiti ngunit malungkot ang pagtango. Nararamdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Parang may bumabarang bakal sa lalamunan ko.




"P'wede rin namang hindi talaga si Lorainne," giit niya. Biglang nag-angat ang tingin ko sa kan'ya. Sa pagkakaalam ko kasi hindi siya boto kay Jace. Oo, support-support siya sa'kin pero ayaw niya si Jace. "P'wedeng isang araw nagising siya at gusto ko na niya, parang 'yung nangyari lang sayo. Hindi nga love at first sight pero biglaan ring pagkagusto. Ang mali niya lang..."




She's That PaltryWhere stories live. Discover now