Chapter 18

54 1 1
                                    

Noon





"Paano naman kakausapin ni Jace si Unique, mukhang hindi nga rin nag-uusap 'yung dalawa?"


Napaisip tuloy ako sa tinuran ni Athena. Nag-away din nga pala 'yung dalawa. Ni hindi ko man lang natanong si Jace kung nagka-ayos na ba sila ni Unique noong party.


Marahas ako'ng napabuntong-hininga hininga. Nakamot ko tuloy ang ulo. Nasulyapan ko si Lay ay ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Nakatingin siya sa lupa at masama ang tingin doon.


Tuloy ay ang tahimik ng dalawa pagbalik namin sa room. Hiwalay sa amin si Lay, hindi ko naman maramdaman si Athena dahil napaka tahimik niya. Nang oras na ng research namin ay nabalisa na siya.


"Siguro sa library na lang ako. Puntahan mo na si Jace, baka hinahanap ka na no'n..."


Hindi pa nga ako nakakasagot ay lumarga na siya. Naiinis tuloy ako, hindi ko matulungan si Athena. Halata namang nag-aalala siya parehong kay Unique at sa research nila. Ito ang unang beses ko'ng makitang magkagusto ng ganito ang kaibigan ko. Noon kasi, kahit may gusto siya sa ibang tao madali niyang naipapakitang parang hindi siya naaapektuhan.


Siguro noon pa man, gusto na niya si Unique kaya naitatago niya pa. Pero hindi niya siguro inaasahang lalago ang nararamdaman niya. Hindi niya siguro inaasahan na darating sa puntong hindi niya na kayang pigilan ang nararamdaman niya.


Totoo pa lang ang,' Buried feelings grow...'


Sa gitna ng pag-aayos ko ng gamit ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko, hudyat na may nagtext. Pero nang sandaling isinukbit ko na ang bag ko, tsaka ko lamang hinugot ang cellphone sa bulsa. Habang naglalakad ay binasa ko ang text.


From Jace Research:

Nasa bench na ko. Bumili na ko't lahat ng pagkain wala ka pa rin? Where are you? Do I need to fetch?

Seen. 2:05 P.M.


Umaasa na naman ang marupok ko'ng puso. Hindi na ko nasanay, lagi namang ganito. Pero bakit parang bago pa rin sa akin ang lahat? Umiling-iling ako at nagtipa ng reply.


To Jace Research:

Huwag na. Papunta na ko.

Sent. 2:06 P.M.


Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang bulto ni Jace na nakaupo sa school bench. Ang itim niyang backpack ay nakapatong sa mesa. Abala naman siya sa pagkain ng Potato Fries.


Nang makita niyang papalapit ako ay natigil siya sa pagkain. Bored ang mukha niya ako'ng tinignan, sumandal siya sa bench. Hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin at dire-diretsong lamang ako'ng umupo sa tapat niya. Nilabas ko ang sandamakmak na papel, ginaya niya naman ako.


"Bakit hindi ka pa nag-umpisa?" Nanliit ang mga mata ko sa kaniya.


"Makakapag umpisa ba ako nang wala ka?" Balik niyang tanong.


My cheeks immediately blushed but I didn't let him notice it. Lahat na lamang ba bibigyan ko ng ibig sabihin? Ano ba'ng katangahan 'to Meana Denotare?!


Tinignan muna namin ang ipinagawang timetable para malaman kung ano ba ang dapat naming ma-accomplish sa araw na 'to. Tapos na kami sa Statement of the Problem at Conceptual Framework. Sa next step na kami, so far so good naman.


She's That PaltryWhere stories live. Discover now