Chapter 32

35 1 0
                                    

Confess






Kahit wala pang two o'clock ay nagready na ako. Nagtataka nga si Athena sa mga kilos ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Maski ako ay hindi ko alam kung bakit alalang-alala ako.



Kakaiba talaga siguro ang mga kutob. Pero sana naman isa 'to sa mga pagkakataon na mali ang kutob ko. Sana ay nag-aalala lamang ako para sa wala.



"Ano bang sinabi sa'yo?" banayad na tanong ni Athena. Halata ring nag-aalala.


"Magkita raw kami..."


"Bakit daw?" naupo si Athena sa katapat kong kama.


"Walang sinabi, e," umiwas ako ng tingin.


"Pupunta ka?"



Napabuntonghininga ako. Parang ayoko ngang pumunta, e. Nag-aalala lamang ako sa mga bagay na pwedeng mangyari kapag hindi ako pumunta.



Kumain na muna kami bago ako umalis. May room service rin kasing dumating kaya kinain na namin. May activity din mamaya kaya kailangan may lakas kami. Nang matapos kaming kumain ay saka lang namin nalaman na galing sa dalawa iyon. Nagtext kasi si Unique kay Athena.



"Tinatanong daw ni Jace kung anong ginagawa mo. Sasabihin ko ba?" hayag ni Athena.


"Sabihin mo lang natutulog ako," tugon ko nang hindi siya tinnitignan.


"Natutulog... daw... siya..." ani Athena kasabay ng pagtitipa niya. Nanunukso pa akong tinignan.



Naikot ko na lamang ang mga mata ko sa iritasyon. Pakiramdam ko talaga unti-unti nang kumakampi si Athena kanila Unique at Jace. Pabor na sa dalawa lahat ngayon.



Tatawa-tawa siyang inulit ang pagtitipa. Inayos niya ang mga salita niya na naayon sa gusto kong iparating. Pagkatapos ay hindi na ako nagsalita. Puro pag-iisip na lamang ang ginawa ko. Nilista ko ang lahat ng mga maaaring sabihin ni Lorainne sa isip ko.



Pinalipas ko na lamang ang mga oras dahil handa na naman ako. Nanood muna ako ng T.V. saglit bago ako tumuloy. Tanging pantalon lamang at ang puting t-shirt para sa activity mamaya ang sinuot ko. Pinatomg ko lamang ang paborito kong cardigan dahil tiyak na malamig sa labas.



"Tawagan mo ako if ever, huh?"


She's That PaltryWhere stories live. Discover now