Nineteen

681 14 0
                                    

Since Day One, You use to hold me... 

Mabilis kong inalis yung pagkakahawak ni Kalen sa'kin dahil mamaya iba pa ang maisip niya pag nagising siya na hawak niya yung kamay ko. 

"Wahh!" Nakita ko kung paano magising si Kalen sa sigaw ni Raiven at halos lahat ng kasama namin sa bus tumingin na din kay Raiven. 

"Bakit katabi na kita? Nasaan si Kalen?" Rinig kong sabi ni Raiven at hinanap ako at mabilis naman akong kumaway sa kanya ng magtama yung tingin namin. 

"Kumalma ka, wala akong gagawin." sabi naman ni Van kaya tumahimik na lang si Raiven. 

"Tita, will pick you up right?" tanong ni Kalen sakin at tumango naman ako dun. 

At dahil sa pagbanggit niya kay Mommy parang gusto ko ng madaliin yung oras for me to see my Mom already, I really miss her. 

"And also today is Tito Daniel's birthday." Natigilan naman ako dun at naalala na birthday nga ni Dad today. I smile sadly because of it and I suddenly remember my mom. 

She is probably sad right now  kaya pinagsisihan ko agad na wala ako sa tabi niya. 

"Yeah, it's my Dad birthday." I said and smile at him at tumingin na lang sa bintana. 

Nakarating na kami ng school na tahimik lang ako. Alam ko na nag-aantay na sa'kin si Mommy dahil didiretso kami ng sementeryo to visit Daddy. 

"My love!" Napangiwi na lang ako ng makita ko si Mommy at tumakbo papunta sa'kin. Napangiti na lang din ako seeing my Mom's smile. 

"Mommy naman, ang lakas ng boses mo." sabi ko. 

"Bakit ba, namiss kita e." she said and gave me a hug. Humiwalay naman agad siya sa'kin at tumingin kay Kalen na nasa tabi ko pa pala. 

"Kalen, did you take care of your diamond?" Nanlaki naman yung mata ko doon at napaubo naman si Kalen. 

"Mom, tara na pupuntahan pa natin si Daddy!" sabi ko at hihilahin ko na sana siya pero may sinabi siya na nagpatigil sakin. 

"Aantayin natin si Tito Gelo at Tita Kali mo, sabay sabay tayong pupunta doon." Napanganga naman ako doon at tumingin kay Kalen na parang hindi naman affected. 

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko dahil uuwi na daw sila samantalang kami inaantay pa din sila Tita. 

"My baby!" Narinig ko yung pagbuntong hininga ni Kalen dahil kay Tita Kali. 

Kaya minsan talaga hindi na kami mapapaisip na magkaibigan talaga silang apat e. Dad and Tito Gelo is like the same while Mom and Tita Kali parehas kaming ginagawang baby ni Kalen. 

"Saffira, inalagaan ka ba ni Kal doon?" Tumango naman ako kahit naiilang na sa nangyayari. I just want to visit my dad come on! 

At buti na lang hindi na sila nagkwentuhan pa at dumiretso na kami sa sementeryo. Nakita kong may bulaklak na sa likod na paniguradong si Mommy pa ang nag arrange. 

"Mommy, are you okay?" tanong ko sa kanya and she glance at me and smile. 

"Of course, I am. Bakit naman ako hindi magiging okay? I miss your dad pero tanggap ko na wala na siya but a tleast he left me with a diamond." Napangiti na lang ako doon. 

She always said that to me na nawala man si Dad sa kanya at least she have me. Daddy's half. 

Nakarating na kami ng sementeryo na kasabay lang sila Kalen. Tahimik lang ako na naglalakad hanggang makarating kami kay Daddy. Mom put the flower on my Dad's grave at si Tito Gelo naman naglagay ng alak kaya napangiti na lang ako. 

Since Day OneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang