One

1.2K 20 2
                                    

Since Day One, You're mad at me...   

Mabilis akong lumingon kay Kalen at nakita ko siyang kasama yung tatlong kabigan niya. Wala pa naman akong ginagawa bakit parang galit na siya. Hindi ko pa ginagawa yung move ko ah. 

"Ano yun?" tanong ko. Hindi naman agad siya sumagot sa'kin and just look at me coldly. 

"Miss ka na daw niya, Saffi." sabi ni Van isa sa mga kaibigan ni Kalen. 

"Shup up, Van!" seryosong sabi ni Kalen kaya napatahimik na lang din si Van. I feel Raiven's hands on my elbow. 

Wala pa naman akong ginagawa. Alam ko sa loob ng dalawang linggo since the class started hindi ko na siya tinigilan pero hindi pa naman grabe yung mga ginagawa ko sa kanya. Ano bang masama na batiin siya araw-araw ng good morning na may kasama pang hot choco. Kanina lang naman ako hindi nakapag good morning dahil hindi ko talaga siya mahanap. 

Kaya ba siya galit? Dahil hindi ako nakapag good morning sa kanya? Sige, Saffira umasa ka lang. Mas matindi pa rin ang galit niyan sa'yo. 

"Stop messaging me." Yun lang ang sinabi niya at iniwan na kami. Ngayon siya magagalit kung kailan ang dami ko ng chat sa kanya na ngayon niya lang ata nabasa. 

"My god, Saf tigilan mo na kasi pagkakagusto mo diyan kay Kalen. Marami pa naman diyan." Sabi ni Raiven at niyaya na ako papuntang counter. 

Kung kaya ko lang... 

Pagkatapos namin mag order, tama nga ako at tapos na mag away si Toni at Sheka dahil nag aayusan na sila ng make up ngayon. 

"Ito na po mga order niyo." sabi ni Raiven at pabagsak na nilapag yung mga pagkain buti na lang hindi natapon. 

"Anong ganap niyo ni Kalen doon kanina, girl?" tanong ni MJ at nginitian ko lang naman siya. 

"Mahal niya na daw ako." sabi ko at nakita ko namang lahat sila umirap. 

"Hay nako, teh high ka na!" sabi ni Sheka. 

"Dalhin niyo na sa rehab!" 

"Grabe naman kayo, hindi naman impossible yun ah. Hello I'm a diamond!" I said. 

"Oo sa pangalan, pero hindi ka diamond." sabi ni Eunice at parang gusto kong hilingin na sana pag nagbreak ulit sila ng boyfriend niya hindi na sila magkabalikan ulit. 

Yes, In my name I'm diamond but I'm not a diamond because I already lose my glow and shine since that day.. 

I lose my glow when my dad died. 

And I lose my shine when I push him away. 

Natahimik na lang ako dahil unti-unti na namang bumabalik sa'kin yung nangyari. Yung pangyayari na kahit gaano ko kagusto balikan para itama alam kong napaka impossible na. 

Gusto kong balikan yung panahon na when my dad died and I also want to go back to the day when I push the person who is there for me since day one. 

I don't know why I did that but I want to curse myself for that. Maybe because I'm still immature.

"Okay ka lang?" Raiven ask ng pabalik na kami sa classroom at tumango naman ako sa kanya at ngumiti. 

Wala na akong naintindihan pa sa buong class hanggang sa mag uwian. Ito yung pinaka ayaw ko sa sarili ko e. Every time that I will think about my past parang lagi na lang ako nawawala sa sarili ko. It feels like I'm shutting down my mind. 

Sabay-sabay na kaming umuwi and because I don't have confidence to drive my own car may driver pa din ako. 

"Saffi, sabay ako!" Eunice said at tumango na lang ako sa kanya dahil panigurado na tinatamad na naman siya tawagan driver nila. Ang sipag makipaglandiaan sa jowa niya pagtawag lang sa driver nila hindi niya magawa. 

Since Day OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon