Thirty

920 15 0
                                    


Since Day One, it's our love...

Napatingin silang lahat sa'kin ng bigla akong tumayo. Hindi siya pumasok sa mga class niya? I don't want to expect na nag-aantay pa din siya sa'kin but when Nigel said na nandiyan naman daw yung kotse niya. Doon na ako nagexpect na baka talagang nag-antay siya sa'kin knowing na may klase ako.

"Bakit ba bigla bigla kang tatayo diyan!?" sigaw ni Sheka na katabi ko at napatingin naman ako sa kanilang lahat.

"May pupuntahan lang ako." sabi ko at mabilis ng tumakbo palabas ng cafeteria kahit narinig ko pa yung pagtawag nila sa'kin.

Nagmadali akong pumunta ng library na wala masyadong tao dahil nga lunch na. Wala sa mga tables si Kalen kaya chineck ko yung mga shelf and I saw him sitting sa pinakatago part ng library holding something. Hindi muna ako nagpakita sa kanya at tiningnan yung hawak niya at napangiti ako ng mapait ng makita kong yun yung gift na binigay ko sa kanya nung birthday niya.

Yung gift na pinapapabuksan ko sa kaniya pag sinukuan ko na siya. Matagal na dapat niya yang binuksan pero parang hindi niya pa naman nakikita ang laman.

It's letters sinulat ko lahat ng memories namin sa mga papel at inipon lahat doon yun. The meaning of that is I am ready to let go all of that precious memories in my mind.

"Bakit hindi mo pa binubuksan? You should open it. I already gave up." sabi ko at nagpakita na sa kanya. He look shock kaya nanlaki pa yung mata niya habang nakatingin sakin.

"Buksan mo na yan. Sa harap ko mismo Kalen. And read it." sabi ko sa kaniya at mabiis naman siyang umiling doon.

"If I open this, it means I already accept that you already gave up on me." he said.

"You should, because I already did." Pinipigilan ko ang umiyak ngayon kahit na ang bigat bigat na. "Open it." Wala na siyang nagawa at nakita ko kung paano niya buksan yung box na puno ng mga letters. Kumuha siya ng isa and he look at me and I saw tears forming in his eyes.

"Kalen, do you remember when we go to batangas last time? Yung vacation na magka-away tayo at ang malala birthday ko pa yun. Nagtampo kasi ako sa'yo nun dahil nakatulugan mo yung birthday ko kaya hindi mo ko nabati. Pero nung pinakita mo yung gift mo sa'kin doon na tayo nagkabati." basa niya sa sulat kaya natawa na lang ako doon.

Yan pa talaga ang nakuha niya kung kailan malapit na birthday ko.

"Before, just a simple gift from one of us nagkakabati na tayo. At ilang beses kong hiniling yun simula nung bumalik ka na sana ganun na lang kadali ulit." sabi ko sa kanya.

"I'm sorry." Hindi ko na siya pinansin at tinalikuran ko na siya habang may tumutulong luha sa mga mata ko at paglabas ko nakita ko si Stel na ngumiti ng malungkot sa'kin but he open his arms for me kaya hindi na ako nagdalawang isip na yumakap sa kanya at umiyak sa dibdib niya ng tahimik.

Yun na ang huling pagkakataon na umiyak ako dahil sa paghaharap namin ni Kalen dahil sa mga nagdaang araw at linggo kahit na ilang beses niya akong kinukulit hindi ako bumibigay sa kanya. Lalo na at ang lagi ko pang kasama ay si Stel. I'm thankful to Stel dahil pag nandiyan siya hindi makalapit sa'kin si Kalen.

"Grabe na teh, hanggang kailan mo tatarayan si Kalen?" tanong ni Sheka sa'kin habang nakatingin sa singsing niya. Napairap na lang ako doon.

"Hanggang sa siya naman ang tumigil katulad ng nangyari noon." Natahimik naman sila sa sinabi ko.

"Bukas na birthday mo ah." Pag-iiba ni Raiven sa usapan.

"Yeah, let's get ready for party!" Malakas na boses na sabi ni Eunice. Napailing na lang ako doon at hindi na sila pinansin. May party kasi na hinanda si Mommy sa bahay bukas kahit na kaunti lang naman kami.

Since Day OneWhere stories live. Discover now