Seven

670 14 0
                                    

Since Day One, You are my happy pill  

Kinabukasan nakangiti kong inaantay yung mga kaibigan ko pasalamat sila at nasa mood ako na antayin sila. Wala akong narinig na balita sa kanila nung wala kaming pasok kahit yung group chat namin napakatahimik. Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyari sa mga babaeng yun. 

Lalo na si Sheka na dapat isa-isa na kaming ginulo pero walang nangyari. Wala talaga akong idea ano ba nangyari doon after hilahin ni Red sa kung saan. 

Narinig ko na yung busina sa labas kaya lumabas na ako. Mommy already left dahil may aayusin pa daw siyang event. 

Pumasok na ako sa back seat at nakita ko doon si Raiven na as usual nakaearphone na naman. 

"What's up, my girls!" Nakangiting sabi ko. 

"Anong nakain mo at parang good mood ka?" Ngumiti lang ako ng malaki kay Eunice at inirapan niya lang naman ako. 

"Ang weird niyo ngayon ah, si Sheka ayan napakatahimik at ikaw kung makangiti parang wala ng bukas!" sabi ni Raiven at tinanggal na yung earphone niya. 

Napatingin naman ako kay Sheka na halatang trying hard na wag mag ingay. Hindi ako ang weird. Si Sheka! 

"Wow Sheka! Sana lagi kang ganyan!" sabi ko sa kanya at umiling lang siya sa'kin at inirapan ako. Okay? Ano nangyari sa kanya? 

Nakarating na kami ng university at talagang pinanindigan ni Sheka ang wag magsalita. Nagkakatinginan na lang nga kaming tatlo dahil hindi talaga namin alam pare-parehas anong meron ngayon kay Sheka. 

Kung may nakain ba siya na hindi maganda o kulang sa tulog. Pero kahit naman kulang sa tulog yan dati hindi yan ganyan. 

"Huy, Teh! Ano ka na diyan?" tanong ni Eunice kay Sheka at mukhang hindi na napigilan ng gaga. 

"Kasi naman e! Ayoko na nga mag-ingay at nadala na ako e! Ang tindi ng parusa! Inatake labi ko! Alam ko naman na makapal yung mukha ko pero jusko naman yung precious lips ko!" Sheka said with full of frustration at nagkatinginan naman kaming tatlo na iisa lang ang nasa isip. 

Wala kaming maintindihan! 

"Kung ayusin mo kaya di ba?" Raiven said at napapadyak na lang sa inis si Sheka. 

"Kasi naman! Masarap na parusa naman yun pero jusko yung first kiss ko! Yung labi ko mga teh!" Para na siyang maiiyak habang nagsasalita. 

"It looks like you are noisy again." Napatakip agad si Sheka sa bibig niya at lumingon sa nagsalita at doon namin nakita yung dalawang pinakatahimik sa kanilang magkakaibigan. 

Napatingin ako kay Kalen and as usual parang walang pakialam again. 

"Hoy, ano ba talaga nangyari sa inyo?!" sigaw ni Eunice and Red just smirk and shrugged his shoulder. Pagpatuloy mo yung ganyan pula baka talagang mahulog sayo si Sheka. 

Pogi naman kasi napakasungit at tahimik nga lang parang si Kalen lang.

"Hi, Kalen!" Nakangiting sabi ko. Napatingin naman sa'kin yung mga kaibigan ko na alam kong nagtataka na lalo na si Raiven. 

Hindi naman ako pinansin at parang wala lang siyang narinig hanggang sa dumating na si Nigel at Van. Nagtama yung tingin namin ni Van at nakita ko naman siyang sumulyap kay Kalen. I just roll my eyes to him at ginulo niya naman yung buhok ko bago lumipat sa tabi ni Raiven. 

Tumingin ako Kalen at nakita ko naman nakataas yung isang kilay niya na nakatingin sa'kin  at sumulyap kay Van na nakikipag usap na sa kaibigan ko. Ano meron? 

At dahil nga unang madadaanan yung building namin. 

"See you later, Inis!" sabi ni Nigel na kinairap lang ni Eunice pero ngumiti din naman ng bahagya. Ano na ba nangyayari? 

Since Day OneМесто, где живут истории. Откройте их для себя