Twenty Nine

1.1K 18 0
                                    

Since Day One, I hate seeing you with him... 

"But you're courting Alli, am I right?" sabi ko sa kanya.

"No, you're wrong because to tell you the truth I am not the same nice Kalen that you know anymore. But this Kalen in front of you still loves you so much."

"What do you mean by that?" tanong ko sa kanya and I saw him walk faster para makalapit sa'kin hanggang sa mukhang 1 meter na lang yung layo ng mukha naming dalawa.

"What I mean is I am not nice all the time lalo na if someone will make his move to you." Yun lang ang sinabi niya at iniwan na akong tulala. Pero napalingon ako ng magsalita pa siya.

"And did you know that I thought your accident is my karma because I tried to use Alli to hurt you. I thought I will lose you because of all the bad deeds that I did." Kahit malayo siya sa'kin at ilaw na lang mula sa poste ang nandito nakita ko pa din yung lungkot at pagsisisi sa mga mata niya.

"But now, I can do all the bad deeds in the world just to have you and your shine again." Nauna na siyang umalis sakin at nakita ko siyang sumakay na sa kotse niya na nasa tapat ng bahay namin.

Bumalik na ako sa kwarto ko pagkatapos batiin sila Tita Kali at nagtataka sila bakit bagsak na bagsak yung balikat ko at hindi ko na lang sinabi na dahil sa anak nila yun. Mabilis kong nilapag yung mga damit na binigay ni Ate Gresia sa vanity table ko at sumalampak na sa kama.

So he just use Alli to hurt me? Alam niya ba kung gaano ako nasaktan dahil doon. At doon na din ako bumigay. Tapos sasabihin niya ginawa niya yun para saktan ako at mukhang sucessful pa nga e.

At sa dahilan din na yun kung bakit kailangan kong ilagay ang sarili ko sa kamatayan para lang iligtas siya.

"Stop thinking, Saffira!" sabi ko sa sarili ko at natulog na lang.

Kinabukasana nagulat ako na nandito na si Sheka sa bahay at inaantay ako dahil makikisabay daw siya at nung itanong ko kung bakit ang sabi niya lang dahil papunta daw si Red sa bahay nila kaya kailangan niya umalis ng maaga.

Sabay nga kaming pumasok at nagulat na lang ako ng biglang may umakbay sa'kin habang naglalakad kami at pagtingin ko si Stel yun. Gusto kong mailang matapos ng mga nalaman ko  mula sa kanya pero ang hirap dahil mukhang wala na lang naman sa kanya yun kaya ang hirap na yun ang maramdaman.

"Good morning, girls. Shekainah are you okay?" tanong ni Stel at mabilis naman tumango si Sheka doon.

"Alisin mo nga yang akbay mo sa'kin ang bigat!" sabi ko at mabilis inalis yung braso niyang naka akbay sa'kin.

"Grabe 'to ang swerte mo na nga may poging naka akbay sayo 'e" Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin.

"Shekainah!" Natigil kami sa paglalakad ng marinig naming sumigaw si Pula kaya napalingon ako at nakita kong kasama niya si Kalen. Napatingin ako kay Stel ng umakbay na naman siya sa'kin.

"Ang kulit mo din 'e!" sabi ko sa kanya at siniko siya pero mukhang hindi naman siya naapektuhan doon at ngumiti lang sa'kin kaya napailing na lang ako habang nakangiti.

Hindi mo talaga makikita sa mukha ni Stel na ganyan ang ugali niya. He is wearing specs kaya nagmumukha siya matalino at seryoso. At maiisip mo na mature ang ugali pero pag nakilala mo baka pagsisihan mo.

"Did you leave your house early?" Napatingin ako kay Sheka na hindi tintingnan si Red. Napailing na lang ako sa kanila.

"Alam niyo, may klase pa e." sabi ko at hinila na si Sheka pagkaalis ko ng akbay ni Stel sa'kin.

"Kairita, hindi ako marupok anong akala niya." sabi ni Sheka.

"By the way Shek, may naalala ko di ba sabi mo nung umamin ka wala namang sinabi si Red kaya paano mo nasabi na hindi ka niya mahal?" Dumagdag pa kaya yun sa iniisip ko kagabi kay kailangan ko ng answer.

Since Day OneWhere stories live. Discover now