Sixteen

660 13 0
                                    

Since Day One, You are a good friend... 

Nandito na kami ngayon sa covered court kung saan magbibigay kami ng mga relief goods sa kanila. Lahat ng binibigay naman galing sa mga Rheinfrords parang volunteer lang kami. May mga doctor pa nga para sa mga may nararamdaman. 

At mga doctor yun na galing ng Vargas Hospital isa sa pinakamalaking opsital sa buong bansa. At mukhang malapit ang mga Vargas sa Rheinfords kaya nagpadala din ng doctor at kung ano-ano pang mga gamot. 

I am just taking picture sa mga nangyayari at hindi ko mapigilan hindi ngumiti tuwing nakikita ko yung tuwa sa mukha ng mga tao dahil sa natatanggap nila. May event din kasi na ginagawa kaya nag eenjoy din sila. We want them not to think of what happened and we just want them to have fun even just for awhile. 

Seeing their smiles after everything is priceless. I wonder ano kayang iniisip ni Daddy tuwing nakikita niya yung mga taong walang makain na pinapakain niya ng libre. Maybe he also smile so big like me. We are the same.

"Huy, teh samahan mo ko naiihi na ako." sabi ni Eunice.

"I'm taking pictures," sabi ko pero hindi siya nakinig at hinanap ko naman nga kasama namin at pare-parehas may ginagawa kaya wala na akong choice kung hindi samahan siya.

Hinayaan ko na si Eunice na maghanap ng CR at sumusunod lang ako habang tinitingnan yung kuha ko sa camera ko.

"Finally!" I look at my friend na tuwang-tuwa at natanaw niya na ang CR napairap na lang ako at hinayaan siya.

Napatigil ako sa paglipat ng pictures ng nakita ko yung picture ni Kalen na kinuha ko kanina. It's Kalen smiling widely habang may kausap na batang babae.

He smile beautifully.

"Ay ayun!" Nailayo ko naman agad yung camera ng magsalita si Eunice ag nakasilip sa camera ko.

"Bakit?" Umiling lang naman siya sa'kin habang pinipigilan ngumiti at hinila na ako pabalik ng court.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagkuha ng picture at sa pagtulong sa pagbigay ng mga reliefs at kung ano-ano pa.

"Ang ganda niyo naman po." sabi sa'kin ng mukhang mas bata sa'kin ng kaunti. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Oo nga, hija. Ang ganda mo. Beauty queen ka ba?" tanong ng babaeng nagsabi sa'kin na maganda ako. Nahihiya na ako at hindi ko alam sasabihin ko.

"Maganda po talaga yan." sabi ni Van na nasa tabi ko na pala kasama si Raiven. Inirapan ko na lang siya at inalis yung kamay niya na pinatong niya sa balikat ko. Napatingin ako kay Raiven at nakita kong umiwas siya ng tingin sa'min.

Nagpatuloy na lang kami sa ginagawa namin hanggang sa matapos at bumalik na kami sa tinutuluyan namin because tomorrow is another day. Hindi ko muna kinulit si Kalen dahil hindi siya magandang inisin after seeing that smile.

"Tara kain na tayo!" sabi ni Sheka ng tapos na kaming mag ayos.

"Busog pa ako, kayo na lang." sabi ni Raiven at kinuha na yung phone at earphone niya at nagpipindot na doon.

Kanina ko pa napapansin na parang wala sa mood yun si Raiven simula nung bigla na lang silang sumulpot ni Van sa tabi ko kanina.

"Okie, sige." Hinila na kami ni Sheka palabas pero sinabihan ko sila na mauna na at may naiwan ako pero ang totoo kakausapin ko lang si Raiven at alam ko din naman na nag-aantay na yung si Red at Nigel sa kanila kaya pinauna ko na.

"Ven," Tawag ko sa kanya ng makapasok ako kaya napatingin naman siya sa'kin. Tinanggal niya yung earphone niya at binigyan ako ng ngiti na alam kong pilit.

Since Day OneWhere stories live. Discover now