Thirty Three

863 14 0
                                    

Since Day One, You don't need to steal me... 

"But it's not hard to steal her, Bandiala." Nakangising sabi ni Kalen. It makes me feel like the Kalen who can do anything bad to get what he wants.

"I can see that you finally grow some balls, Avilla." Nakangisi ring sabi ni Stel. 

"Of course, I am. It's her I'm talking about." Parang ako lang ata ang nakakadama ng lamig sa boses ni Kalen kanina pa. 

"Teka nga! Ano ba pinagtatalunan niyo?" tanong ko sa kanila at nagtaka ako ng lahat sila ay gulat na nakatingin sa'kin. 

"Seryoso, Saffira?" 

"What the!" 

"My god, baby. don't tell me you are so slow na." 

E sa hindi ko talaga maintindihan pinagaawayan nung dalawa e. Si Veron ba? Ano ba kasi ang nanakawin? Ang nasa utak ko lang kasi talaga yung lamig sa boses ni Kalen. 

"Don't need to steal her from me because from the beginning she's yours. But don't expect that I'm just gonna let you have her that easily, Avilla." Ngayon ko lang narinig yung ganyan boses ni Stel na parang matatakot ka talaga. "Tara na, Diamonds na lang." sabi ni Stel at kinuha na yung kamay ko at nauna na kaming lumabas. 

"Aware naman ako na ako pinag-uusapan niyo e." sabi ko kaya napatingin siya sa'kin. Hindi ba pwedeng magpanggap na hindi ko alam? Dahil hanggang ngayon naiisip ko pa din yung sinabi niya 4 years ago na pwede ko siyang kalimutan. 

Masyadong mababa ang tingin niya sa pagmamahal ko sa kaniya. Grabe na siya. But I will prove him that my love is better than what he thinks. 

"Bwiset na babaeng yun." sabi ni Stel ng makasakay kami ng kotse niya. 

"Baka naman kasi type ka talaga." sabi ko at tumawa bago isuot seatbelt ko. 

"Pucha Fi, tingin niya sa'kin para akong lamok na ang sarap pisain alam mo ba yun? Ganun ba pag type mo? learn about sarcasm please." sabi niya kaya hindi na lang ako nagsalita dahil mukhang nasira na ang mood ni Amstel. 

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami ng Diamonds. 

"Tanginang, Avilla talaga yun nagsama ng may lason sa utak." sabi ni Stel ng makababa kami ng sasakyan. Napailing na lang ako sa kanya. 

Nauna kaming dumating kaya nagpaready na ako ng mga pagkain at dalhin sa VIP room. Gusto ko sanang magluto pero baka pumangit lang ang lasa ng luto ko dahil sa mood na meron ako ngayon kaya nandito na lang ako sa loob ng VIP room inaantay yung iba kasama si Stel na nasa cellphone lang ang atensyon. 

"Oh, Mr. Steel." Napatingin kami ng sabay sa pumasok at doon namin nakita si Veron na parang nang-aasar na nakatingin kay Stel.

"Oh, babaeng may lason sa utak bakit nandito ka na naman? Hindi ko alam na nagpapapasok pala si Fi ng katulad mo." Nakita ko kung paano namula sa galit yung mukha ni Veron at yung katabi ko naman hindi na pinansin.

Ewan ko ba saan niya nakuha yung may lason sa utak na sinasabi niya.Nagdatingan na sila at sakto namang dumating na din yung mga pagkain.

"Akala ko kami manlilibre, mukhang sagot na ni Saffira." sabi ni Sheka.

"Gago, may bayad yan."

"Yung mga bakla susunod yun dito ah." sabi naman ni Raiven.

Yung mga yun kasi ang nagdesign ng mga susuotin namin at ang shop na pinuntahan namin kanina sa kanila yun kasi wala sila doon kanina dahil may importanteng inasikaso.

Nag-umpisa na silang kumain at si Stel inasikaso muna ako bago magsimulang kumain. He is always like that pag magkasama kami. Ako muna bago siya.

"Ubusin mo yan." sabi niya at tumango na lang ako doon.

Since Day OneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang