Twenty Eight

1.2K 21 0
                                    


Since Day One, I'm gonna court you... 

Tulala lang ako dito sa kwarto ko kahit kanina pa nakalabas si Kalen. Ayan na naman bibigay na naman ako. Bakit pakiramdam ko parang mas pinapahirapan ko ang sarili ko. Dapat ba ganun? 

Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano nagbihis na lang ako dahil naisipan kong pumunta sa bahay nila Sheka at makikihingi ng chocolate panigurado may dala yun sila Kuya Sam at Ate Gresia. Makikihingi lang ako dahil mukhang kailangan ko. 

"Where are you going, my love? Dinner is almost ready." sabi ni Mom kaya sinabayan ko muna siyang kumain bago magpaalam na pupunta lang ako kanila Sheka dahil nandiyan yung mga kapatid. 

Naglalakad na ako ng maalala ko na naman si Kalen. Napahawak ako sa noo ko na may bandage pa din ngayo ang sarap niyang sisihin dahil sa nangyari sa'kin pero tuwing naalala ko na ginusto ko yun dahil ayoko siyang masaktan parang ang hirap niya ng sisihin. 

Dahil part of me is saying that you love him that's why you did it and you don't have a right to blame him. 

"Hello people!" sigaw ko ng makapasok ako sa bahay nila at nakita ko nga yung magkakapatid sa sala nila at nakabukas pa mga maleta. 

"Saffira!!" sigaw ni Ate Gresia at mabilis akong niyakap. Hindi kami madalas nagkikita simula pa noong maging magkaibigan kami ni Sheka but when we met parang close na kami agad. 

"Ate!" sabi ko at niyakap din siya. "Pengeng chocolate." sabi ko kaya napahiwalay siya sa'kin at sinamangutan ako. 

"Wow teh, dinayo mo bahay namin para manghingi ng chocolate." sabi naman ni Shek at binelatan ko lang naman siya. 

"Oo nga, parang hindi mo ako namiss ah." Napailing na lang ako doon at tumingin kay Kuya Sam at binigyan ko naman siya ng malaking ngiti. Nung makilala ako ni Kuya Sam as her baby sister's friend parang naging baby sister na din ang turing niya sa'kin at ganun din naman siya kanila Eunice at Raiven. 

"Kuya Sam, chocolate." sabi ko at nagpapacute pa. Nakita ko namang umirap siya at may kinuhang malaking paper bag sa maleta niya at mabilis na binato sa'kin na nasalo ko naman. 

"Pasalamat ka hindi kita matiis dahil sa inyong apat ikaw ang manghihingi niyan pagkadating na pagkadating ko pa lang." sabi ni Kuya Sam kaya binuksan ko na yung paper bag at puro chocolates nga yun. 

"Wahh! Thankiee buti ka pa, yung isa kasi diyan wala." Pagpaparinig ko kay Ate Gresia at natawa naman si Sheka doon. 

"Wag ka nga tumawa diyan, Shekainah!" bulyaw ni Ate Gresia kay Sheka kaya nagkatinginan na lang kami ni Kuya Sam at umiling. Sa mundong 'to ang una talagang nakabangayan ni Sheka ay si Ate Gresia. At ayun nga nag-aaway na yung dalawa at kung saan-saan na napupunta yung pinag aawayan. 

"I heard what happen to you." Napatingin ako kay Kuya Sama and he pointed out my forehead kaya napatakip na lang ako doon. 

"Gasgas lang yan." sabi ko at tumawa. 

"Did you know kaya din ako napauwi because I heard what happen to you. Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat." he said at napanguso na lang ako doon. Having Kuya Sam it makes me feel like na may kuya talaga ako. 

"Kasi naman kuya..." Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Ano sasabihin ko na kaya ako nagpabunggo dahil ayokong mabunggo yung lalaking mahal ko aba baka mabatukan ako ni Kuya Sam. 

Kuya Sam hated a girl na handang magpakabaliw para sa isang lalaki pero hindi naman ako nagpapakabaliw kay Kalen I just want to save him that's all. 

"Hay nako kuya, para iligtas ang pinakamamahal niya kaya yan nagpabangga." Tiningnan ko naman si Sheka na may hinahalungkat na ata sa maleta ni Ate Gresia. 

Since Day OneWhere stories live. Discover now