Special Chapter 05 (Eunice & Nigel)

133 6 0
                                    

Eunice Anastacia Lim 

"Ewan ko sa'yo, Eunice!" Jeff said at mabilis na tinalikuran ako. 

"Wow naman! Tatalikuran mo na naman ako! Ang galing talaga." sabi ko na punong puno ng frustration habang nakatingin kay Jefferson. 

Hindi naman kami ganito noon, we are happy and in love kahit siya. Noong maging kami hindi niya hinahayaan na may sama ako ng loob sa kanya dahil para sa kanya nasasaktan siya doon pero ngayon nag-iba na ang lahat. 

We used to be a happy couple, he is my first boyfriend, my first love and my first kiss. We become together when we are grade 12 at hindi ko makakalimutan yung saya sa mukha niya ng sagutin ko siya. Sobrang saya naman namin pero biglang nagbago ang lahat. 

Lagi na kaming nag-aaway dahil laging mainit ang ulo niya sa'kin at hindi naman siya ganun dati. Kung noon naaayos agad namin yung mga away namin ngayon hindi na na minsan nga humahantong pa sa hindi na kami nag-uusap dahil hindi niya ako pinapansin. 

Minsan nga pumapasok na lang ako sa school na mainit ang ulo ko dahil mukhang break na kami pero hindi e dahil bigla na lang ulit siyang magpaparamdam at magsosorry sa'kin. At ako naman si tanga na lang okay lang dahil nga sa mahal ko. 

Pero ramdam ko naman na unti-unti na akong nauubos. 

"Alam mo Jefferson, kung parehas na tayong nahihirapan sa ganitong sitwasyon natin itigil na natin." sabi ko sa kanya dahil ito na naman siya sinisisi na naman ako sa away namin when in fact siya naman talaga ang may kasalanan. 

Mali ba na magselos ako sa mga babaeng kasama niya? Parang mas madalas pa nga niyang kasama yung babaeng yun kaysa sa akin na girlfriend niya. Hindi ko pinapansin noong una yun pero ngayon sobra na ata lalo na nung nakita ko kung paano niya balewalain yung presensya ko dahil lang sa babaeng kasama niya. 

"So, nakikipagbreak ka?" tanong niya. 

"Kung yun ang sa tingin mo baka yun nga." sabi ko sa kanya at nagpipigil ng luha dahil ayokong magmukhang kaawa-awa sa harap niya. Alam kong alam niya na mahal na mahal ko siya at sobrang hirap sa'kin na sabihin lahat ng sinasabi ko. 

"Kaya mo? Ganun na lang kadali sa'yo?" sarkastiko niyang sabi kaya sinamaan ko na siya ng tingin. 

"Sa tingin mo ganun kadali sa'kin? E ikaw ba ganun na lang ba kadali sa'yo na kalimutan na girlfriend mo pa din ako? Nauubos na ako sa kakaintindi sa'yo Jefferson! Ramdam ko na hindi mo na ako pinapahalagahan!" Buong akala ko kaya kong hindi umiyak sa harap niya pero ang hirap pala lalo na pag sobrang mahal mo yung tao. 

"Kaya tama na 'to. Itigil na natin kung ganun lang din naman pinaparamdam mo sa'kin." sabi ko at mabilis ng bumaba ng sasakyan niya at pumasok ng bahay namin at buti na lang wala pa ang parents ko kaya hindi nila makikita yung ganitong sitwasyon ko. 

Yung buong akala ko na magiging katulad ko siya, miserable dahil sa naging break up namin pero mali ako dahil nakita ko lang siya nang makapagpark ako sa school na kasama yung babae niya. 

"Wow ah, wala pa nga atang 24 hours ang saya mo na." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. 

Bumaba na lang ako ng sasakyan ko at alam kong napatingin siya sa'kin pero confident lang ako na naglakad papasok ng campus at pinakita sa kanya na kaya ko ring maging katulad niya. Yung chill lang after our break up kahit na sa loob ko sobrang hirap dahil sobrang mahal ko siya. 

"Aray ko naman!" sigaw ko ng may makabunggo ako at nang iangat ko ang tingin ko automatic na napairap ako. "Depungal!" sigaw ko at mabilis na inayos yung shoulder bag ko at aalis na sana pero humarang siya sa harap ko. 

Since Day OneWhere stories live. Discover now