Eighteen

662 17 0
                                    

Since Day One, It's our promise... 

Buong araw hindi ko matingnan si Kalen dahil feeling ko pag nagtama pa yung mga mata namin maiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung magagalit ba siya sa'kin dahil sa sinabi ko o nasaktan din siya katulad ko nang maalala ko yung pangakong parehas naming hindi natupad. 

"Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Van at tumango naman ako sa kanya. Napapansin ko din naman na kanina pa siya patingin tingin sa'kin pati kay Kalen e. 

I know that he already know that something is not right. 

"It's not what I'm seeing," he said at inirapan ko naman siya dun. 

"Yun naman pala, bakit nagtanong ka pa? Alam mo ang gawin mo na lang, isipin kung paano ka aamin." I said at natigilan naman siya doon. 

"Aamin kanino?" Parehas kaming nagulat ni Van ng biglang lumitaw si Raiven sa tabi namin. 

"Si Van aamin na-" Hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko dahil tinakpan na agad ni Van yung bibig ko. 

"Na ano, na ang pogi ko!" sabi niya at nakita ko namang napangiwi si Raiven doon at ako naman inalis na yung kamay ni Van na nakatakip sa bibig ko. 

"Ito naman! Akala mo naman sasabihin ko, Asa ka! Diskarte mo yan!" sabi ko at tinalikuran na siya pero muntik na akong matumba ng may makabunggo ako at doon ko naramdaman yung apat na kamay na sumalo sa'kin. 

It's Van and Kalen.

Naramdaman ko naman na mabilis na tinanggal ni Van yung mga kamay niya na naka-alalay sa'kin. Nakita ko kung paano tumingin si Kalen kay Van. 

Mabilis na lang akong tumayo at hindi tiningnan si Kalen at lumingon kay Van na nag-iiwas lang ng tingin. I look at my friend sa likod ni Van and I saw sadness in her eyes. 

I fucking want to hurt Van so badly dahil mukhang nagseselos na naman si Raiven. Bakit ba kasi hindi na lang siya umamin! Nagtama yung tingin namin ni Raiven and she just smile at me bago umalis. At nang makita ko namang nakalayo na si Raiven mabilis ko namang hinampas si Van. 

"Aray ko po! Para saan yun?" tanong niya habang nakahawak sa braso niya na hinampas ko. 

"Ang slow slow mo! Umamin ka na lang kasi baka dahil sayo masira pa pagkakaibigan namin e." sabi ko sa kanya at parang naguluhan pa siya doon. Expected na yun. 

"Huh?! Bakit naman masisira?" Napapikit na lang ako dahil doon. Parehas silang tanga! 

Yung isa pakiramdam ako yung gusto ni Van kaya hindi din masabi kay Van yung totoong nararamdaman niya pero ang weird naman ata nun kung siya ang gagawa ng first move kaya naiintindihan ko yun. Yung tao naman sa harap ko duwag umamin takot na baka hindi naman siya gusto ni Raiven at magka ilangan pa sila. 

Ang sarap nilang pag untugin! Sila na nga ang laging magkasama hindi pa nila maramdaman ang isa't isa. 

"Alam mo? Lumayo ka muna sa'kin! Baka hindi lang hampas maabot mo." I said at mukhang natakot naman siya doon kaya nakita kong pumunta siya doon sa direksyon kung nasaan si Raiven. Napailing na lang ako doon. 

At doon ko lang naalala na si Kalen pala ay nasa likod ko lang. 

"Ehem." Lalakad na sana ako palayo ng bigla siyang magsalita. 

"You broke your promise first, and because of that I don't have a choice but to break mine too." Natigilan ako doon pero hindi ako lumingon sa kanya. I'm scared to look at him and look at him straight into his eyes. But I took the courage.

"You have, Kalen. And if you really love me you will never leave me." I said staring straight into his eyes.

"Isn't it unfair, ako mahal ka at titiisin lahat while you are just pushing me away." Hindi ko na kinaya pa kaya tinalikuran ko na siya.

Since Day OneWhere stories live. Discover now