Thirty Five

1K 23 3
                                    

Since Day One, I'm in his arms now... 

"Are you really okay?" tanong ni Alli sa'kin. I'm here at Diamonds at nandito din si Alli dahil wala naman na daw siyang lakad at kailangan niya lang mag unwind dahil kailangan maganda daw siya bukas. 

Akala mo naman siya ang ikakasal ang sinabi niya lang baka daw may matipuhan siya sa mga kamag-anak ni Red. 

"Hindi naman tayo uminom pero parang sabog ka." she said and look at her nail polish. 

"Wala lang naman iniisip ko lang si Kalen." Honest na sabi ko sa kanya kaya gulat naman siyang napatingin sakin. 

"Bakit? What is the problem? Did he make you cry? Tell me!" Napangiwi na lang ako sa pagiging OA ni Alli. 

"Hindi, naiisip ko lang talaga yung mga pinagdaanan naming pain at tuwing naiiisip ko yun nasasabi ko na lang na finally nandito na kami." sabi ko at ngumiti. 

Our story is not as perfect as others dahil bago masimulan ang totoong storya namin ang dami munang nangyari. Nagkasakitan kami, umiyak at sumuko. 

But thinking of all those now talagang masasabi ko na lang na ito na makukuha ko na yung kapalit ng lahat ng pinagdaanan ko. Namin. 

"Mapapaisip ka naman talaga doon." sabi naman ni Alli at tumahimik na lang. 

Hindi din nagtagal si Alli dahil may schedule pa daw siya sa spa. Akala mo talaga siya ang ikakasal sa preparation niya. Yung dalawa ngang bakla nagrereklamo na dahil mukhang haggard sila sa kasal sa dami ng ginawa nilang gowns para sa kasal ni Sheka. 

Kakatapos ko lang magpalit ng damit at ready ng umalis dahil pupuntahan ko pa si Daddy. Hindi ko na sinabi kay Kalen kung saan ako pupunta pero sinabi ko na wag na siyang dumaan ng Diamonds dahil wala na ako doon. 

I just want to visit my Dad. I just drive to the memorial park at bumili ng flowers na madadala dun. 

"Dad! I'm here!" I said ng makalapit ako sa puntod niya. Nilagay ko na muna yung flowers at nagsindi ng kandila at umupo at hinaplos yung pangalan ni Daddy. 

"Dad, It took years before you visit my dream again, And guess what naalala ko mga sinabi mo and you said that it's the same words that you told me years ago. Alam mo pa lang hindi ko naalala kaya inulit mo." I said trying myself not to cry. 

Ayokong umiyak because I don't want  him to be worried. 

"You told me that you will be at peace when I ended up being with Kalen. You told me that you love me so much and also Mommy. Sinabi mo sa'kin yung mga nakita mo noon while I'm with Kalen. You even said na una pa lang alam mo ng mamahalin namin ang isa't isa higit sa kaibigan. Ang galing mo talaga sa mga hula mo Dad." Hindi ko na napigilan at tumulo na yung mga luha ko. 

"Even you are not here anymore you still taught me a lot of lesson and I like that tree example Dad. How did you think of that buti na lang medyo may utak kami ni Kalen." I said and laugh pertaining doon sa video na pinanood sa'kin ni Kalen. 

Natigil yung pagdadrama ko ng biglang tumunog yung phone ko. 

"Speaking of your favorite guy, Dad." I said at sinagot yung tawag.

"Hello? Why?" 

"Where are you? Let's have a date tonight!" Nakaloud speaker yung phone ko kaya rinig na rinig ko yung boses niya. 

"Why?" I smile when I hear him groan. Ayaw niya kasi na why ako ng why. Baka pati existence niya daw tanungan ko din ng why. 

"My diamond come on, stop asking why." he said at natawa na lang ako doon. 

Since Day OneWhere stories live. Discover now