Nine

637 13 0
                                    

Since Day One, You are the Queen

Nagpunta na lang muna ako ng library I need a quiet place. Sobrang bigat na naman ng nararamdaman ko. Seeing that makes me hope na may pag-asa talaga na mapatawad niya ako. But his actions is so complicated.

Minsan he's acting so worried to me, minsan naman talagang balewala lang ako sa kanya. Yung feeling na hindi mo alam kung saan ka lulugar.

After staying in the library naisipan ko ng bumalik ng head quarters pero habang naglalakad pabalik nakita ko si Eunice kasama yung ex niya na si Jefferson. Lalapit na sana ako dahil parang hindi na maganda ang nangyayari pero naunahan na ako ni Nigel.

"Tangina pre, ayaw ka na nga kausapin e." Halata sa boses ni Nigel na nagtitimpi lang siya.

"Tara na, Nigel. Wag mo na patulan." sabi ni Eunice at hinila na paalis si Nigel.

Napailing na lang ako habang nakatingin kay Jefferson. Baka katulad ko din siya narealize ang worth ng isang tao kung kailan wala na sa tabi mo. Kasalanan din naman kasi ni Jefferson e. He didn't value their relationship kaya nga on and off relasyon nila. At ngayon wala na talaga and I can see that Nigel is a big help to Eunice.

Mag okay pa nga si Nigel kaysa kay Jefferson. Kaya sana si Nigel na talaga.Pero bakit ko ba iniisip lovelife ng iba? E ako nga wala!

Dumiretso na lang ako sa pagbalik sa headquarters at parang gusto ko na lang ulit umalis dahil si Kalen lang ang tao. Baka lalong magalit sa'kin dahil pinakialaman ko laptop niya pero dahil nga nakita niya na ako parang may magagawa pa ako kaya dumiretso na lang ako sa dating pwesto ko at binuksan laptop ko para ituloy yung ginagawa ko kanina.

"You can still smile like that." Napatingin ako sa kanya and he's looking at me.

"No, I can't. Wala na si Daddy at wala ka na." Yun lang ang sinabi ko at bumalik na sa ginagawa ko. Mahina lang yung huling sinabi ko na panigurado hindi niya narinig.

While I'm busy editing hindi ko namalayan na lunch na pala kaya nagugutom na ako. Tatayo na sana ako ng biglang may maglapag ng pagkain sa harap ko.

I look at that person and I just smile when I saw that it's Kalen.

See? I thought he's mad at me? Right now he's acting worried mamaya niyan balewala na naman ako sa kanya like I didn't exist at all.

"Thank you." I said at kinuha na lang yung pagkain na nilapag niya at napangiti na lang ako sa nakita ko. It's chicken pastel one of my favorite food.

I started eating at nagdatingan na din yung mga kasama namin sa club na kakatapos lang din daw kumain.

My day is just like that at ganun din naman kinabukasan dahil nga wednesday pa kami kukuha ng pictures ni Kalen.

I'm on my way sa headquarters para ilapag yung bag ko ng bigla namang tumunog yung phone ko.

"Hello girl! Punta ka room my announcement daw, nandito na kami." sabi ni Eunice kaya dinala ko na lang ulit yung gamit ko at palabas na ako nakita ko naman si Kalen.

"Punta lang akong room may announcement daw e, wait lang!" sabi ko at tumango lang naman siya sa'kin.

Nagmadali na akong pumunta ng room at nakasabay ko pa ang prof namin. Pagpasok ko kompleto na mga kaibigan ko kaya nginitian ko na lang sila.

"Okay, I have a bad news to all of you actually," Lahat naman kami nagtaka sa sinabi ng prof.

"Felicity will not be able to participate sa Ms. Intrams dahil may emergency sa kanila. Hindi siya makakapasok hanggang next week. Naisip namin na kumuha na lang doon sa mga sumali sa semi finals na ibang culinary students pero naisip din namin na unfair naman dahil block niyo ang nanalo kaya kukuha na lang kami ng ibang representative mula sa block niyo." Then it hit me. Si Felicity nga pala ang representative sa culinary.

Since Day OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin