Eight

631 14 0
                                    

Since Day One, You are my photographer 

Nakabalik na kami ni Raiven sa room and nagtataka namang tumingin sa'min yung dalawa kasi ang tagal namin pero we just pretend na parang wala kaming napansin. 

Alam ko naman na hindi tama na isa lang sa mga kaibigan ko ang may alam pero hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Wala naman talaga akong balak na sabihin sa kahit sino sa kanila hangga't hindi ko pa nakukuha yung forgiveness ni Kalen but I had to say it to Raiven dahil kung hindi baka hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap and she will keep on avoiding me and not talk to me hanggang sa hindi ako nagsasalita. 

My classes starts at nakinig na lang ako kahit na yung utak ko talagang lumilipad na sa kung saan.

"Okay class, alam niyo naman na malapit na rin ang intrams and next week is the start for the preparation for that,"

Oo nga pala! It means lagi kaming magkasama ni Kalen sa photography club kasi we also need to take pictures of the preparation until to the main event. So, it means for that whole week we need to take picture.

Like preparation ng mga players dahil may makakalaban din silang taga ibang school sa RU talaga ginaganap yung iba't ibang labanan ng sports sa bawat univeristy dahil nga sa malaki yung school and also the fame of the Rheinfords alam kasi nila na dadating yung magpipinsang Rheinfords with their parents. And also the booths.

Naiisip ko pa lang parang ang daming mangyayari. Kahit na 1st year pa lang ako ang dami ko ng alam about RU, of course this is my dream school.

At ang pinakaabangan ng lahat sa RU ang Ms. Intrams. Before yun talaga gusto kong salihan. I want to experience joining like that sa in this university but I already stop joining such competition when Dad died.

"Sa mga players na kailangan magpractice and also the cheerleaders, you will be excused sa mga class niyo. And the others, I'm sure may gagawin kayo sa mga clubs niyo but not that much bukod sa nasa photography club so you still have class on that week. On the week of the Intrams lang ang wala." Parang nanlumo naman ang ibang kaklase namin.

I'm sure naman kasi na gagawin lang ng mga club is sa booths lang. 

"Photography ka di ba?" tanong ni Eunice sa'kin paglabas ng prof. Tumango naman ako sa kanya. Lahat kami may gagawin. Silang tatlo sa sports and they are excuse ako sa photography. 

"Kasama si Kalen?" tanong ni Sheka at tumango lang ako sa kanya. Nakita ko naman kung paano siya ngumiti na parang nang-aasar. I just roll my eyes at her. 

"Bet ko sumali Ms. Intrams." sabi ni Sheka at tinawanan lang siya ni Eunice. Bukod kasi kay Toni si Eunice ang matinding kabangayan ni Sheka. "At ano tinatawa mo diyan Eunice Anastacia?!"  Napatigil na lang sa pagtawa si Eunice at sinabunutan si Sheka. 

"Sabagay, baka matalo silang lahat 'no?" Hindi na lang ako sumagot at kinuha na lang yung phone sa bag ko. Ganun din yung ginawa nila Raiven. 

Sabay kaming tatlo napaangat ng tingin ng biglang tumayo ng padabog si Sheka. Mukhang nainis nga. Nagkatinginan kaming tatlo at nagpipigil ng tawa. Alam naman kasi naman na umaarte lang yan pero pag kinausap mo parang wala lang namang nangyari. 

We just look at Sheka walking out of the door at sakto namang paglabas niya biglang may tumigil sa harap ng pinto. 

"Aray ko naman po! Ano ba!" sigaw ni Sheka. 

Tumingin na lang ako sa nakabunguan niya and it's Red. Tumingin ako sa tabi niya at wala naman siyang kasama. So he's alone? Ano naman pinunta niya dito? 

"Oh, Hi pula!" sabi ni Sheka pero hindi na ganun kalakad. Para siyang naging maamong tupa pagkakita kay Red. 

"You don't have class? Then, come with me." sabi ni Red at napairap na lang ako ng bigla na lang tumango at parang wala pa siyang balak na magpaalam sa'min kung hindi pa pinaalala ni Red. 

Since Day OneWhere stories live. Discover now