Special Chapter 03 (Sheka & Red)

163 5 0
                                    

Shekainah Louisse Fernandez

"Pakialam ko sa kanila?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Lagi naman talagang ganyan ang sagot ko pag pinipigilan ako ng mga kaibigan ko na mag-ingay.

Hindi ako mabubuhay sa loob ng isang araw ng hindi binubuka yung mga bunganga ko at wala na silang magagawa doon dahil gusto ko pang mabuhay kaya bakit ko pipigilan ang sarili ko na wag magsalita para sa kanila.

They can cover their ears if they want hindi ko naman sila pinipilit na makinig sa mga sinasabi ko dahil ang gusto ko lang ay ang makapag-ingay.

And I am actually thankful na ganito ako dahil sa tindi ng bunganga ko yun din yung panlaban ko sa mga gustong makipag-away sa akin at hindi lang naman sa akin kung hindi pati na din sa mga kaibigan ko. I am straight forward at dahil wala na talaga akong kahihiyan sa katawan wala na akong pakialam sa mga lumalabas sa bibig ko.

"Jusko naman Shekainah, senior high school na tayo pero yung junior high school na ugali mo na sa'yo pa din." Eunice said at inirapan ko na lang sila at pumasok na ng room at dahil hilig ko na talaga na ilibot ang paningin ko there is one girl who caught my attention.

Maganda siya at talaga hindi mo mapipigilan ang wag tumingin sa kanya pero mukha siyang malungkot.

"Oy, Shekainah Louisse!" Nawala yung atensyon ko sa babae nang sigawan ako ni Anton Istacio.

"Bakit ba? Wag mo ko guluhin busy ako." I said at hindi ko na lang siya pinansin at binalik yung tingin doon sa babae at mukhang napansin din naman ni Raiven yung tinitingnan ko at parehas lang kami ng naisip.

"Does she like to be alone?" Raiven ask at nagkibit balikat naman ako doon. Siya lang kasi talaga yung walang katabi sa room dahil halos lahat ng nandito sa classroom talagang magkakasama at magkakakilala na at yung iba naman nakahanap na ng mga kaibigan pero siya nag-iisa lang siya at mukhang walang balak na makipagkilala sa kahit na kanino.

Siguro kung ako ang nasa posisyon niya at wala yung mga kaibigan ko sa tabi ko baka tumayo na ako sa upuan ko at naghanap ng maraming kaibigan sa ugali ko ba naman pero iba siya. Tahimik lang siya at parang malungkot din.

"Ang lungkot niya." sabi naman ni Eunice na may kinakain pang lollipop at mukhang pare-parehas lang talaga kami ng naiisip habang nakatingin sa kanya.

"Palapitin niyo dito." sabi ko sa kanila at tiningnan lang naman nila ako.

"Ano ba pangalan niya?" tanong ni Toni at sabay naman kaming nagkibit balikat doon.

"Saffira name niya, nakipagkilala ako sa kanya kanina pero iwas talaga siya." Isa sa mga kaklase namin na nasa likod ang nagsabi kaya napatango naman kami doon.

Napatingin kami kay Raiven ng bigla siyang tumayo at tumabi doon sa babae pero hindi naman nagsalita at umupo lang doon at may ginawa sa notebook. Sumunod naman doon si Eunice na nakipagkilala na kaya tumayo na din ako para makalapit dahil ang mga loka sinabi ko palapitin hindi doon sila umupo.

"Hoy mga teh! Sabi ko palapitin niyo sa pwesto natin hindi yung titigan niyo lang yung ganda!" sigaw ko kanila Raiven dahil mukhang nalimutan na yung sinabi ko na palapitin dahil mukhang naamaze lang talaga sa ganda ni ate girl.

At simula noon nakilala namin yung babaeng bubuo sa samahan namin and it's Saffira Diamond. We never make her feel na bago siya dahil kami yung matatagal ng magkakaibigan at mukhang nakita niya naman na sincere kami sa pakikipagkaibigan sa kanya kaya tinanggap niya kami bilang kaibigan niya.

And we are thankful for that. Dahil ang swerte namin ang maging kaibigan siya. She is the purest person that I know.

First day of school at sabay-sabay kaming papasok dahil yun ang usapan namin dahil pare-parehas naman kami ng course bukod dun sa dalawang bakla na fine arts ang pinili. Magkakalapit lang kami ng bahay kaya nga kami naging magkakaibigan nila Eunice pero ng makilala namin si Saffira at sinabi niyang lilipat sila ng bahay at saktong merong binibenta sa malapit sa mga bahay namin pinlit namin siya.

Since Day OneWhere stories live. Discover now