Eleven

633 16 0
                                    

Since Day One, We are always together.. 

It's the start of the Intrams at nandito ako sa headquarters ngayon para ilapag yung laptop at camera ko. Nag-aantay na sa'kin yung mga gaga. Palabas na ako ng headquarters ng makita ko si Kalen na papunta pa lang dito. 

"Hi, good morning." bati ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin kaya hinayaan ko na lang. But I suddenly remember the pageant that will happen in friday. 

"Kalen, wait!" sabi ko at mabilis na lumapit sa kanya. 

"What?" 

"You will support me on Friday right?" I ask at hindi naman niya ako sinagot. Napasimangot na lang ako sa kanya at pinuntahan na lang yung mga kaibigan ko at lalo na lang ako napasimangot ng makita kong kasama nila yung tatlo. 

"Wow ah, talagang partner partner kayo e 'no. Ano ba meron sa inyo?" Masungit na tanong ko at nakita ko namang nagkatinginan si Nigel at Eunice kaya kumunot na lang yung noo ko. 

"Yan si Nigel at Eunice tanungin mo!" sabi ni Sheka ng hindi malakas dahil nasa tabi niya lang si Red. 

"Ano meron?" 

"Nililigawan ko kaibigan mo, Saffi." sabi ni Nigel at tumango na lang ako. Support ko naman sila like what I said mas bet ko si Nigel kaysa doon kay Jefferson. 

"Okay, support ko kayo!" sabi ko at hindi na sila pinansin. 

"Kingina, Kalan napakatagal mo!" Napatingin naman an ako doon at nakita ko nga si Kalen na papunta sa pwesto namin. 

"Oh, yan na partner mo, Saffira!" sabi naman ni Van. Nakita ko namang umirap si Kalen pero ngumiti na lang ako. 

At least kahit galit sa'kin may kasama pa din ako. Nagpunta na kami doon sa mga booths at yung mga kaibigan ko naman tuwang tuwa na. 

"Kulong po sa jail booth yung mga may blue na damit." A shout from somewhere at nagulat na lang ako ng biglang may humatak sa'kin at pati kay Kalen. 

Shit! I'm wearing a sky blue dress! Damn it! Si Kalen naman blue t-shirt. Pwede kasi kahit hindi na mag uniform ngayon at pinilit ni Mommy na ito ang suotin ko. 

"Shit naman!" sabi ko ng ipasok na nila kami sa para kulungan. 

Nakasimangot lang ako sa loob at lumingon ako kay Kalen na parang okay lang naman sa kanya. Mas lalo kong ginustong lumabas ng makita ko mga kaibigan ko na pinaggtatawanan kami. 

"Ayan blue pa!" sabi ni Nigel. 

"Dyamante na Dyamante naman kasi sa suot teh." sabi ni MJ na kasama na nila ngayon. 

"Dun na nga kayo! Mga wala kayong kwenta!" sigaw ko at inirapan sila. 

We stay in the jail booth for about an hour bago kami palabasin at para talaga akong kakalaya lang galing sa kulungan ng makalabas ako. Wala naman akong ginawa sa loob kung hindi titigan lang si Kalen. 

Hinanap na lang namin yung mga kasama namin at kahit gusto kong kausapin si Kalen hindi niya naman ako sinasagot kaya sayang lang yung laway ko sa pag kausap sa kanya. 

Sobrang galing ko na nga at nakakayanan ko pa kausapin siya matapos ng lahat ng nangyayari between us. Pero habang tahimik kami na naglalakad doon ako may naisip na itanong sa kanya. 

"Kalen, can you rate how you hate me?" tumingin naman siya sakin. 

"10." Yun lang ang sinabi niya at hindi na ulit ako pinansin. Napangiti na lang ako ng mapait sa sinabi niya. He hates me 10 over 10. Yeah, I know that. 

"Ano, kamusta makulong?" Tanong ni Sheka na inirapan ko na lang. 

"Gusto mo ata matry teh." sagot naman ni Toni at dahil nga Nandiyan si Red hindi niya maaway si Toni ngayon. 

Since Day OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon