PSP - 80

393 25 1
                                    

~Elsie's P.O.V~

Naramdaman ko nalang na niyuyugyog ako kaya napabangon agad ako.

"Oh gising kana pala."bati saakin Terry. Nakaupo silang pareho ni Pam sa kama.

Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Syempre may gumising sakin."sagot ko.

Mag sasalita pa sana ako ng may kumatok.

Tumayo sila saka binuksan yung pintuan.

"Hey, tara na gawin na muna natin yung project natin."bungad ni Drake pagbukas ng pintuan.

Tiningnan naman nila ako.

"ito na susunod na."sagot ko. Tumayo na ako at sumunod na sa kanila.

*********

"Ahhhhhhhhhh."

"baho ah."sabi ni Pam at parang nababahuan.

"grabe ka baho agad? Napahikab lang."sagot naman ni Terry.

Kakatapos lang namin sa aming project. Napapikit nalang ako, medyo naantok narin ako.

"oh kain na muna kayo."sabi nila Drake habang bitbit nila ni Alfie yung mga inorder nilang pagkain.

Pagkalapag ay sabay sabay kaming kumain.

Susubo na sana ng kanin ng may pagkaing tumapat saakin.

Pagtingin ko si Alfie pala. Kaya sumenyas ako kung ako ba, tumango naman siya. Wala akong nagawa kaya kinain ko nalang.

Nakarinig akong ng slight na tili ka napatingin ako sa mga katabi ko. Kita ko naman na KUNWARI silang sarap na sarap sa kinakain.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Nagkwentuhan kami lahat lahat hanggang sa matapos kaming makakain.

Nagligpit kami at dumeretso sa kwarto para makapag pahinga.

Di ko na sila kinausap kasi antok na antok na talaga ako.

*********

Nagising nalang ako kasi nagising ako. Yun lang.

Natamaan kasi ng ilaw yung mata ko kaya nagising ako. Kinusot ko muna ang mga mata ko saka bumangon.

Himala, tulog pa ang dalawang shunga. Napuyat siguro maaga kasi ako natulog kagabi kaya di ko na alam kung ano pa ang mga ginawa nila.

Bumangon ako at pumunta sa cr para mag hilamos.

Pagkatapos ay lumabas ako at dumeretso pababa di ko na ginising yung dalawa, mukang puyat.

Nakakailang hakbang palang ako pababa ng marinig kong may nag luluto. Babalik na sana ako kasi natatakot ako malay ko bang marunong palang magluto ang mga multo.

Pero narinig kong kumakanta? Wait teka...boses yun ni Alfie ah.

Di nga ako nag kakamali boses niya yun. Kaya ang ginawa ko ay dahan dahan akong bumaba at dumeretso sa kusina. Tapos dahan dahan sumilip.

Tumpak siya nga yun. Nakatalikod siya at di niya alam na may tao palang nanonood sakanya. Alam ko naman na magaling magluto si Alfie alam ko na yon dati pa.

Huminga ako ng malalim kailangan maging pormal ako.

Inhale, exhale, in----

"huy Elsie andito ka pala." napatalon ako sa gulat ng magsalita si Alfie. Jusko.

"Ay mama!"sigaw ko with matching talon. O.A ako sa part na yun.

"bat kaba nang gugulat?"tanong ko.

"eh ako nga ang nagulat, kanina kapa diyan?"tanong niya saakin.

"ngayon ngayon lang."sagot ko.

"gusto mo ba akong samahan magluto?"tanong niya saakin.

Ngumiti muna ako sabay tango.

"sige tara tuturuan kita."sagot niya.

Kaya yun ang nangyari tinuruan niya ako sa pagluluto ng sinangag, tocino at iba pa. Although marunong na ako pero gusto ko parin mag paturo. Bahala kayo diyan hayaan niyo na ako. Bonding narin namin to noh.

"pwede abot mo yung mantika doon banda sa kaliwa mo."utos niya saakin.

Ngumiti ako at tumingin sa kaliwa ko nakita ko nga doon pero di ko pa napupuntahan mag iisang hakbang palang ako ng madulas ako.

Sa pangalawang pag kakataon nasalo nanaman ako ni Alfie.

Pumikit lang ako ayokong dumilat dahil mukha lang naman ng taong gusto ko, oo gusto ko tama ang narinig niyo narealize ko na...na gusto ko na siya. Alam niyo naman ako mahina ako. Alam kong mali pero kasi yung puso ko parang nag hahanap ng matatakbuhan eh.

"bakit hindi mo subukang idilat yang mga mata mo."rinig kong sabi niya.

Kahit ayaw ng isip ko ang mata ko naman ay sumuway at dahan dahan akong dumilat.

Masasabi ko na isang magandang tanawin ang makikita ko na dati ko na nakasama simula pagkabata.

Oo dati may crush ako sakanya pero di ko inexpect na aabot sa mamahalin ko na siya. Nagustuhan ko na siya noon kaso natigil yun ng mabaling ang loob ko kay Aaron siya ang first boyfriend ko pero si Alfie ang first na minahal ko kahit walang kami.

Napatitig lang ako sa mukha niya.

~Terry's P.O.V~

"Gusto kita"

"Kaso may mahal kang iba"

"bat mo sinasabi yan?"

"kasi gusto kong ipamukha sayo na dapat hindi nag sisinungaling ang nararamdaman."

"Pero la------"

"bakla gisinggg."yugyog sakin ni Pam

Bwesit naman oh ako na yung mag sasalita eh. Nakakainis naman.

"ano ba yun?"bugnot kong tanong.

"gising na umaga na, atsaka napansin ko lang ang aga magising ni Elsie. Tingnan mo wala siya ngayon."sagot niya.

Tinarayan ko naman siya sabay talukbong.

"Walaaaa akoonggg pakeeee."sagot ko.

Ang kaso makulit ang gaga hinila ang kumot ko.

"hanapin natin siya."makulit niyang sabi.

Haystt wala talaga akong magagawa. Makulit ng isang to.

"nasaan ba kasi siya?"tanong ko sabay pikit pikit pa.

"kaya nga hanapin natin para malaman kung nasaan siya."sagot niya.

Napa oo nalang ako wala akong magawa.

At yun sabay kaming bumaba.

Habang papunta kami sa kusina nahagip ng mata ko ang dalawang taong nagluluto ewan ko kung nagluluto sila oh ang haharutan.

"pst may tao."pagtawag ko kay Pam. Napatingin siya at napatakip ng bibig.

"bakla ka sila Alfie at Elsie yan."kinikilig na sagot ni Pam.

Namamalikmata ba ako nakahawak sa beywang ni Elsie si Alfie.

At kita ko kung paano sila parehas hindi gumalaw.

Maya maya pa ay sabay rin silang napatayo at nag ayos ng sarili.

Bumalik nalang kami sa taas, para malaman nila na walang nakakita sa kanila.

~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon