PSP - 42

446 43 2
                                    

~Tiffany's P.O.V~

Miss ko na si Bakla. Kamusta na kaya siya. Ilang araw naring hindi nag papakita ang baklitang yun.

Nakita ko si Alfie na kumakain ng almusal. Kararating niya lang galing sa demonyong pinaglihi sa higad.

"oh Good Morning Pinsan bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"tanong ko sa kanya. Siguro si Elsie toh. Ang tagal na nilang di nag paparamdam sa isat isa eh.

"ahh sabi kasi saakin ni Ate Helena ipapakilala ko daw siya kay Eslie."sagot niya.

"sino yang Helena?"tanong ko at umupo sa harap niya.

"kapatid siya ni Megan. Ate ni Megan."sagot naman niya. So baka parehas lang ng ugali o baka mas malala pa. Baka nga nag plaplano lang ang magkapatid.

"so anong gagawin mo?"tanong ko.

"pupuntahan ko si Elsie."sagot niya. Wala manlang akong nakikitang alinlangan o pag kailang sa mga sinasabi niya.

"gusto mo samahan na kita?"tanong ko.

"sige at mag kamustahan na kayo. Hahaah."natatawa niyang sabi wala akong nakitang peke sa tawa niya. Siguro wala talaga siyang gusto kay Elsie.

********

Tok*Tok*Tok*

"oh kayo pala hio hia. Pasok kayo."pag bukas saamin ng papa ni Elsie.

Umupo kami sa sofa ang papa naman ni Elsie ay pumunta sa sala.

"oo nga pala. Ano pala ang ginagawa niyo dito. Si Elsie ba ang hinahanap niyo?"tanong saamin ng papa ni Elsie.

Habang sinasalin ang juice sa baso.

"Ah opo tito, yung girlfriend ko po kasi yung kapatid niya gustong makilala si Elsie."sagot naman ni Alfie.

Napatingin ako sa kanya pero nakatingin siya kay Tito.

"oyy ikaw ah may girlfriend kana pala. Ang lakas talaga ng kamandag mo."puri sa kanya nito tito at nag apir pa sila.

Medyo naiinis ako sa sinabi ni Alfie na girlfriend kono.

"hahahha"tawanan nila. Para tuloy akong na OP sa dalawa.

"oonga pala wala dito si Elsie ang sabi saakin ng tita niyo umalis raw kasama ng kaibigan niya." paliwanag ni tito. Napatingin ako kay Alfie. Bakit ganon wala manlang siyang pinakitang expression. Kahit gulat or lungkot wala.

Siguro nga wala na talaga.

"ahh talaga po sino naman po iyon?"ako na ang nagtanong. Napatingin saakin si Alfie at tito.

"yan ang di ko alam ang tita niyo lang ang may alam pero umalis siya."sagot naman ni Tito. Tumingin ulit ako kay Alfie na walang expression na pinapakita.

"sige po tito maraming salamat po dito sa meryenda. At babalik nalang po kami sa susunod siguro."sabi ni Alfie sabay tayo.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon