PSP - 21

534 50 5
                                    

~Elsie's P.O.V~

Panibagong araw nanaman ngayon pang apat na araw nanamin ngayon. Buti tapos na yung bangungot.

~~~Flashback~~~

"pwede padilaan?"tanong niya.

"Ano!?"sigaw ko.

"bakit dare naman yun ha."sagot niya. Meron bang daw na ganon. Aba bastos to ah.

"meron diba ang dare sa laro uutusan."dugtong pa niya.

"siya sige na nga"sabi ko wala namang malisya eh. Dahan dahan kong nilabas ang dila ko at kinain ang nutella. Sorry kahit unting balat ng dila ko di dumikit sa balat niya.

"simutin mo"utos niya. Ano siya hello.

"ano ka hello huy isa lang yun noh."mataray kong sabi.

~~~End Flashback~~~

Andito kami sa isang kainan nila mama at papa kasama si Alfie.

"oh kamusta naman yung kwarto niyo ok ba?"tanong ni papa.

"ok naman po"sagot ko. Habang kumakain kami.

"hmm Alfie makulit ba toh si Elsie doon?"tanong naman ni mama. Kaya napatingin ako kay Alfie.

"hindi po tita ang behave po niyan."sagot naman ni Alfie. Tiningnan ko siya na parang sinasabing "good" kahit yung ginawa namin kabalastugan. Whahahaha.

Nang matapos kami nag libot libot kami. Sinubukan namin yung slide sa swimming pool. Natatawa ako kasi habang nag papadulas kami nakahawak si Alfie sa laylayan ng damit ko sa likod. Katulad ngayon.

"ano ba Alfie bitawan mo nga"inis kong sabi kasi todo hawak kala mo naman mawawala.

"ayoko nga baka mamaya pag hindi ako kumapit sayo derederetso lang ako sa pag slide."sabi paniya oo nga pala ang babagsakan namin tubig baka malunod. Whaahhahah.

"oo na basta wag yung sobrang kapit baka mamaya mapunit tong damit ko makita pa nila ang sexy build body ko noh."sagot ko naman. Di naman siya sumagot ng tingnan ko sa likod ko nakapikit. Whahahahah. Takot talaga.

1...2...3..at ng slide na kami.

Ng lumubog na kami sa tubig nakakapit parin siya. Maya maya pa umahon kami. Nakita kong namumula mata niya.

"oh bakit namumula mata mo?"tanong ko.

"napasukan ng tubig"sagot niya habang nag kakamot ng mata. Ahh alam ko na kung bakit.

"kasi binuksan mo yung mata mo habang nasa tubig tayo?"tanong ko.

"oo eh kala ko kasi lumangoy kana palayo."sagot naman niya na parang bata na pinagalitan tapos nag dadahilan.

"tara na nga baka ito pa ang ikamatay mo."sagot ko at tumayo na as usual basa nanaman kami.

Habang nag lalakad kami napadaan kami sa mga puno. Ang ganda gabi na kasi kaya may mga ilaw.

"ahh ehh Alfie"sabi ko.

"alam ko na tara dun muna tayo sa mga puno tingnan natin yung mga naliligo sa tubig."sagot niya tumango naman ako at umupo sa may puno. Tumabi naman siya saakin.

Wala kaming imikan habang mag katabi tiningnan lang namin yung mga nag liligo.

"Excuse me pwede maki upo?"rinig naming tanong kaya napalingon kami. Wait sila toh yung nakasama namin sa elevator.

"oh kayo pala girls tara."yaya ni Alfie tumabi saakin yung dalawa. Yung lalaki naman kay Alfie.

"hmm kuya yung totoo jowa mo siya?"rinig kong tanong ng katabi ko.

"hindi eh, mag kaibigan lang kami."sagot ko.

"totoo? bagay pa naman kayo."singit namang ng isa. Siya yung mahilig daw sa BL.

"eh wala naman akong gusto sa kanya."sagot ko pa.

"sa ngayon wala pa pero malalaman mo rin yan sa susunod maniwala ka saakin."paliwanag ng isa.

"okay wait ano nga palang mga pangalan niyo?"tanong ko.

"ay ako pala si Alice Kai Navarro"pakilala ng isa.

"ako naman si Kimberly Jane Lozano"pakilala nung mahilig sa BL.

"ahh okay ako naman si Elsie David Vicente."pakilala ko.

"Wow ha lalaking lalaki ang pangalan mo eh yung kuyang pogi anong pangalan?"tanong ni Kim.

"siya si John Alfie Sanchez"sagot ko.

"wow ganda rin ng pangalan niya."sagot naman ni Kai.

"eh yung lalaking kasama niyo sino?"tanong ko.

"ahh si Bernard Asher Blanco, kaya laging Blanco ang utak niyan eh."sagot ni Kai.

"mahal mo naman"singit ni Kim.

"yieee sila ba?"tanong ko.

"oo"sagot ni Kim.

Tiningnan ko naman si Bernard may itsura din siya nakikipag usap siya
kay Alfie.

"hmmm girls, Elsie tara na akyat na tayo."rinig kong yaya ni Alfie at tumayo na.

"paano nice meeting you ulit Kim,Kai at Bernard bye."sagot ko at nauna na kami ni Alfie umakyat.

Pag pasok namin sa Room namin dumeretso agad ako sa kama ko at nahiga.

"hayy dami ko ng friend mhay ghad."sabi ko ng mahiga.

"edi ipagpapalit mo na ako?"rinig kong tanong ni Alfie kaya napatingin ako sa kanya.

"sinasabi mo?"tanong ko.

"Huh?"tanong niya. Boom gumagana na yung pag ka Slow niya.

"Hotdog"sagot ko at pumikit. Slow talaga neto.

Ng buksan ko yung mata nakita ko siya nakatulala at nakakunot ang noo. Hahahaah parang tanga iniisip siguro yung sinabi ko.

"huy anong iniisip mo?"tanong ko kaya tumingin siya saakin.

"Huh?"tanong niya. Yan nanaman gumagana yung pag ka Slow niya.

"Wala sabi ko ang pogi mo."sagot ko.

"ano pogi ako?"tanong niya. Oh diba nakita niyo yung difference kapag papuri wala pang isang segundo alala agad.

"Wala sabi ko matutulog na ako."sabi ko at pumikit na.....

~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment pö

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon