PSP - 35

453 45 2
                                    

~Elsie's P.O.V~


Nagising nalang ako maramdaman kong gumalaw sa kama ko. Napadilat ako.

"Oh Aaron ikaw pala......wait Aaron? Ikaw nga anong ginagawa mo dito?"gulat kong tanong at napaupo. Napatingin saakin si Aaron at muka siyang natatawa.

"relax kalang ako lang toh. Atsaka nag paalam naman ako sa mama mo."sagot niya ng nakangiti.

"ano nga ginagawa mo dito?"tanong ko pa ulit.

Kasi naman first time niya pumasok dito. Naku naku si mama talaga. Wait speaking of mama alam na pala niya na Gay ako kaya siguro agad niyang pinapasok. Tsk.tsk.

"gusto ko lang bisitahin ka atsaka gusto mo ba sumama saakin. Bukas outing tayo."excited na sabi niya. Ano naman ang pakulo nitong lalaking toh.

"bawal ak----"di ko na natapos kasi pinutol niya.

"pinaalam na kita wag kang mag alala."pag putol niya nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ano?!"gulat kong tanong.

"oh wag ka ngang sumigaw baka sabihin ng mama mo may ginagawa ako sayo dito."nakangisi niyang sabi.

"Bastos!"sigaw ko at pumasok sa banyo. Hayystt ano nanaman bang balak niyang gawin at sinama pa ako sa trip niya.

"hintayin kita wag ka mag tatagal kung hindi papasukin kita."rinig kong sabi niya sa labas. Naku baka totohanin niya.

Kahit bakla ako ayoko pa naman. Di pa ako ready.

Pag katapos ko gawin ang morning rituals ko lumabas na ako napatingin naman saakin si Aaron. Nakahiga pa ang kumag.

"tara na. Tinawag na tayo ni mama."sabi niya sabay tayo napatingin naman ako sa kanya.

"i mean mama mo"bawi niya sa sinabi niya. At sabay na kaming bumaba.

Pag baba namin nakita ko si mama na nag hahanda ng almusal.

"oh andito na pala kayo mga ANAK."huwaw ha mga anak talaga. Mukang kinakareer ni mama ang mag karoon ng DAUGTHER.

"ma ako lang ang anak mo rito. Wag kang ano."sabi ko kay mama.

"oo nga tita wag niyo po muna akong tawaging anak.....putol niya.

Napatingin naman ako kay Aaron.

"......sa susunod na."pagtapos niya.

"AARON!"sigaw ko.

"oh sorry na."sabi niya at bigla akong niyakap. Shocks nakakahiya kay mama.

Napatingin naman ako kay mama na nakangiti. Pinagdilatan ko lang siya ng mata.

"aray ko"daing ko. Bigla naman siyang bumitaw buti effective.

"kumain na kayo."yaya ni mama na nakaupo na.

Habang kumakain kami. Nalaman ko kay mama na nag 3 days si papa sa opisina niya. Kaya okay lang daw na mag outing kami. Talagang gustong gusto ni mama na umalis kami. Hmm...

"ma siguro kana talaga na mag oouting kami?"tanong ko habang nag huhugas kami. Si Aaron andoon sa kwarto ko. Ewan ko dun kung anong ginagawa.

"oo anak payag ako atsaka mukang mabait yang Aaron na yan anak bet ko siya para sayo."sabi ni mama habang nakangiti.

"mama naman wala pa sa bokabularyo ko ang mag ka boyfriend alam mo yan ma."sagot ko kay mama.

"alam ko anak pero oppurtunity narin to sayo para naman kalimutan mo na ang sakit na iniwan sayo ng nakaraan mo."sabi ulit ni mama. Napatingin naman ako sa kanya.

Ayan nanaman parang bumigat ulit ang pakiramdam ko ang lakas talaga ng tama ko.

Kamusta na kaya sila Alfie. Arghhh stop....

"ma hindi naman pwede na gugustuhin ko siya para lang kalimutan ko para ko na rin siyang ginawang rebound pag nag kaganon."sagot ko naman.

"bahala ka anak pero kung ako sayo. Uumpisahan ko ng sanayin ang puso ko na tapos na. Na nasa hinaharap na tayo ngayon. At kapag natutunan mo na siyang mahalin edi di kana mahihirapan kasi nakuha mo na siya. Diba?"tanong ni mama.

Sabagay. Pero mali parin yun naawa parin ako kay Aaron. Paano pag nasaktan siya.

Turuan mo ang puso mo na mahalin si Aaron para kapag meron na siyang puwang sa puso mo di kana mahihirapan. Sabi ng utak ko.

Ewan ko bahala na.

"Oh anak puntahan mo na dun si Aaron at baka naiinip na ang batang iyon."sabi ni mama. Kaya sumunod ako at umakyat na.

Pag akyat ko dun naabutan ko siyang tulog. Hayystt ano bang aasahan ko. Kinumutan ko muna siya at tumabi sa kaniya para mag cellphone.

Pag bukas ko ng cellphone ko nakita kong nag chat si Tiffany.

From: Tiffany

Good Morning Baks. Kamusta kana? Move on is real ba?

Kung kakalimutan ko ba si Alfie move on tawag dun?

From: Tiffany

Ay busy si Baks ahhh mukang may pinag kakaabalahan.

Hala baka kung ano ano na naiisip nito.

To: Tiffany

Oyy bes kagigising ko lang wag kang ano. Or should i say kano. Wahhaahhaa.

From: Tiffany

Tse. Kano kano ka diyan. Bahala ka and ito pa pala baks umalis dito si Alfie dun daw muna siya mag dadalawang araw sa bahay nila Megan.

Ano?! Si Alfie andun sa bahay nila Megan?

Ano tong nararamdaman ko naramdaman ko nalang na may mainit na likidong tumutulo sa pisnge ko. Kala ko kaya ko na hindi pa pala. Ang sakit sakit.

Grabe na toh ayoko na. Huhu. Mukang alam ko na ang ididisisyon ko...... Napatingin naman ako kay Aaron.

Sabagay di naman siya mahirap mahalin pero wala talaga ehh. Parang ayaw ng puso ko na papasukin siya kasi nilock ni Alfie. Ahahahah.

Sino ba naman ang hindi maiinlove. Mayaman maganda ang hubog ng katawan pati ng mukha may pag ka moreno. Diba. And ako pa ang maswerte kasi siya na ang lumapit saakin.

Hinawakan ko ang mukha niya naramdaman kong gumalaw siya. Paharap saakin at yumakap. Ang cute niya para siyang bata.

Di ko alam pero biglang bumigat ang talukap ng mata ko at naramdaman ko nalang na nakapatong ang ulo ko sa buhok niya parang nakakiss.....

~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon