PSP - 72

389 30 2
                                    

~Sandra's P.O.V~

Hi mga bitches namiss niyo ba ako.

Umiinit ang ulo ko ngayong araw. Ewan ko kung anong gayuma ang pinainom ni Elsie kay Alfie at bakit naging malapit sila ngayon.

Feeling ko may nangyari kung bakit sila naging close ulit.

Ngayon nga aabangan ko sila para makausap ng masinsinan. Kasi naman kanina inis na ako gustong gusto ko ng sambunutan yang salot na yan.

"Sandra andyan na sila."sabi ni Pat. Napatingin naman ako kita ko silang nag tatawanan.

"Excuse me?"tanong ko. Napatigil naman silang dalawa sa pag tatawanan.

"Tsk."sagot ni Elsie. At nag patuloy sa paglalakad.

"Hoy!"pagtawag ko pero di parin nila ako pinapansin.

Haystt argggghhh bwesit........humanda ka talaga sakin bwesit kang salot ka.

~Elsie's P.O.V~

"Hoy!"rinig ko pang pag sigaw niya.

Sorry may pangalan kami at hindi iyon Hoy.

"sisi kamusta ka pala nung hindi tayo nag papansinan?"biglang tanong ni Alfie saakin.

"Huh? Ako okay lang naman."sagot ko.

"Ahhh pasensya kana dapat ako pala ang nasa tabi mo nung iniwan ka ng boyfriend mo."sagot naman niya. Pansin ko lang ang lungkot niya.

"hoy! Excuse me correction di naman ako nag mukmok oh nawala na parang yung mukha mo na parang namatayan."medyo natatawa kong sagot.

"Hahahaha. Pero alam mo namiss kita. Sobra."sagot niya. Para namang naganahan ako. Alam niyo yung feel na gusto niyo pang mabuhay hehe.

"natouch naman ako."sagot ko. Kinurot ko naman siya pisnge. Nagulat ako sa nakita ko kasi bigla itong namula.

Hala!

**********

Limang araw na ang lumipas. Masasabi kong mas napalapit pa kami ng husto ni Alfie mas naging close kami. At take note best friend ko na si Terry. Diba ang daming ganap.

Ganap kay Sandra at ang dalawa niyang alipores? Galit na siya saamin. Mas lalo siyang nagalit, pati si Terry eh dinamay niya. Minsang tatapunan kami ng tubig kaya nga ako lagi nag dadala ng mga extrang dami para handa.

Sinabihan ko si Terry na kung pwede eh wag na siyang sumabat kasi naman. Palaban din ang Mama niyo HAAHAA. Unang expectation ko sakanya is mahiyain pero may tinatagong amazona kaloka siya.

Magaling din siya mag patawa kami ni Alfie laging tawa ng tawa boses palang niya tawa na kami.

And sad to say lumipat na nang ibang school si Frank. Bussiness daw nila sa Manila dun sila nagtayo ng house at company kaya pati pag aaral niya dun niya narin itutuloy.

"ang tagal naman ni Terry."inip na sabi ni Alfie kanina pa kami nag hihintay dito sa waiting shed sabi niya kasi wait daw namin siya mag mamall daw kami.

Eh hanggang ngayon wala parin. Shuta.

"Mga bakla tara na."biglang sabi ng baklang ginataan sa likod ko na nag patawa saaming dalawa ni Alfie.

"HAHAHAHAHAHA."
"HAHAHAHAHAHA."

"ay anyare nanaman sainyo kaloka kayong dalawa."sabi niya at pumunta sa harapan namin.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon