PSP - 51

445 38 0
                                    

~Elsie's P.O.V~

"Andito na tayo Babe"rinig kong sabi ni Aaron. Napatingin naman ako sa kanya ng may pag tataka.

Diba dapat baby ang tawag niya. Himala babe na ngayon.

Pag kababa ko bigla ko siyang pinuna.

"Mukang nag bago ka ah"puna ko sakanya.

Ngumiti muna siya saakin bago sumagot.

"hindi naman nababase sa tawag ko sayo ang pag mamahal dito yun nababase."sabi niya sabay turo sa puso niya.

Napaiwas naman ako feeling ko namumula na yung mukha ko.

"korny mo."sagot ko at nag lakad na kami papasok sa bahay

"korny man ako atlist hindi ko tinatago ang nararamdaman ko para sayo."sagot niya.

Hindi nalang ako sumagot. Korny much ka boy.

"Good Afternoon Tita"masiglang bati ni Aaron kay mama na siyang ipinagtaka naman ni mama.

"oh anak ano namang pinakain mo kay Aaron?"nagtatakang tanong ni mama.

Grabe ha pinakain talaga.

"Grabe ma ha pinakain talaga? Hindi naman."sagot ko.

"actually tita kaya ako masigla kasi ako ang pinakain ni Elsie."nakangiting sagot ni Aaron.

Nakita ko naman ang gulat sa mga mata ni mama.

"ANO?! ELSIE BAKIT MO BINIGAY YUNG PERLAS MO?!"sigaw na tanong ni mama.

Gulat naman ako sa tinuran ni maam. Napaka ha--- nakakahiya.

"ma ang lakas ng boses niyo kung ano man ang naiisip niyo hindi iyon yon. Iba yon noh. Masyadong advanced."sagot ko sakanya.

"oonga tita darating din tayo diyan."singit naman ni Aaron sabay kindat saakin.

Napairap naman ako. Mag kakampi talaga sila. Haystt.

"oo nga pala kumain naba kayo?"tanong saamin ni Mama.

"kakatapos lang ma."sagot ko. Napatingin naman ako kay Aaron nahuli ko siyang nakatingin rin saakin.

Parang ang wierd ngayon kasi lagi kong nahuhuling nakatingin saakin si Aaron. Problema niya.

"anak asaan nga pala si Alfie bakit hindi niyo kasama?"tanong ni mama. Nagkatinginan naman kami ni Aaron.

"Ah nauna na"sagot ko. Tumango naman si mama at nag paalam na dederetso sa kusina.

"hmm.. Babe okay ka lang?"tanong saakin ni Aaron sabay lapit saakin.

"ako? Oo naman bakit mo natanong?"tanong ko.

"wala lang, masama ba alalahanin ko yung boyfriend ko."sagot niya.

Napaiwas ng tingin ulit ako. Napapansin ko pauulit ulit ko na tong linya.

"boyfriend agad?"tanong ko.

"hindi pa pero aabot tayo diyan baka nga abutan rin tayo na mag asawa na tayo."sagot niya sabay kindat saakin.

"kahit kailan korny mo talaga."sagot ko.

Habang nag uusap kami narinig namin na biglang may kumatok.

Tok*Tok*Tok*

Ako na ang nagbukas.

"Good Afternoon Bakla"bati saakin ng aming bisita.

Napasin kong parang natigilan siya habang nakatingin sa may likuran ko. Kaya napatingin ako sa likod ko.

At doon nakita ko si Aaron na nakangiti. Problema nila.

"Huy bes"pag tapik ko sa noo niya natauhan naman ito at nag salita.

"ay sorry, Andito ka pala Aaron nice to meet you"bati ni Tiffany kay Aaron.

"Wala yon Tiffany."sagot naman ni Aaron.

"ay bes ano nga palang ginagawa mo rito?"tanong ko.

"hindi na ako mag tatagal bakla, andito ako para mag paalam kasi uuwi na kami sa ibang bansa diba nakwento ko na sayo yun."sagot niya.

Ay oo nga pala doon mag aaral si Tiffany sa ibang bansa.

"oo mamimiss kita."medyo naiiyak kong sabi at nag yakapan kami.

"mamimiss rin kita bakla, huy Aaron alagaan mo tong bes ko ha wag mo siyang sasaktan."pananakot ni Tiffany kay Aaron.

Natawa naman kami parehas ni Aaron. Kumalas na ako at inakbayan ako ni Aaron.

"oo naman Tiffany ako bahala rito kay Babe."nakangiting sagot ni Aaron. Kinurot ko naman siya sa itlog niya. Charot syempre sa tagiliran.

"tse"sagot ko nag tawanan naman kaming tatlo.

"o sige na bes mauna na ako, paalam mo nalang ako kay Tita tito. Aaron yung bilin ko mauna na ako."paalam ni Tiffany

"opo mam"sagot ni Aaron sabay saludo. Mga baliw.

At yun ng umalis si Tiffany pumasok na kami ni Aaron sa loob ng bahay.

"oo nga pala Aaron anak, saan mo balak mag aral?"tanong ni mama kay Aaron habang nakaupo kami sa sofa.

"opo tita mag aaral po ako kaso lang po hindi sa pinapasukang paaralan ni Elsie."medyo malungkot sa sagot ni Aaron.

"okay lang yan Aaron ang dami mo na kayang nagawa para saakin "sagot ko.

Bigla naman siyang napatingin saakin at ngumiti.

"salamat babe"sagot niya at hinawakan ang mga kamay ko

"para saan?"tanong ko

"kasi binuksan mo ang puso mo para saakin."nakangiti niyang sagot.

"medyo matatagalan pa"sagot ko. Kala ko malulungkot siya pero biglang lumaki yung ngiti niya.

"ok lang babe mag hihintay ako."sagot niya.

"tama yan"rinig mong singit ni mama. Shocks nakalimutan ko andito pala siya.

Huhuhu nakakahiya....


~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon