PSP - 60

404 30 0
                                    

~Sandra's P.O.V~

Nang mag uwian tumayo na ako saktong pag tayo ko nakita kong hinawakan ni Alfie yung kamay ni Elsie.

Tinitingnan ko lang sila nakikita kong parang may sinasabi si Alfie pero di ko malaman kung ano.

"Huy Sandra umaapoy na yung mata mo oh."nabalik lang ako sa realidad ng sabihin yon ni Pat.

Pumikit muna ako bago ulit dumilat.

"anong nangyare?"taka kong tanong.

"nakatulala kalang naman sa kanila kanina pa."sagot ni Brith.

"bwesit kasi yang baklang yan ang landi landi."nanggagalaiti kong sagot.

Napansin kong umalis pala si Alfie habang naiwang nag aayos ng gamit si Elsie.

Its time para malaman na niya kung ano talaga ang ugali ko.

Nag lakad na ako papunta sa pwesto niya.

"asaan si Alfie?"tacnong ko.

Napatingin muna siya saakin saka ngumiti.

"ah nasa cafeteria bumili ng pagkain."sagot niya.

"bakit daw?"tanong ko ulit. Naramdaman kong hinawakan ako ni Pat sa balikat.

"ewan ko dun bibilhan daw ako ng pagkain."sagot niya.

Medyo naiinis naman ako. Talagang malandi kang bakla ka.

"may gusto kaba kay Alfie?"deretsahan kong tanong.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"a-ako w-wala Sandra kilala mo naman ako eh."medyo nauutal niyang sagot kaya naman alam ko na kung anong sagot sa tanong ko.

May gusto siya.

"yah pero matagal na yun malay mo iba na kasi  ngayon nag iiba din ang isang tao lalong lalo na ang ugali."sagot ko.

Napatingin naman siya saakin.

"anong ibig mong sabihin?"taka niyang tanong.

Its time.

Napataas ako ng kilay.

"kung may gusto ka wag mo nalang ituloy kaibigan mo ko diba? Babae ako bakla kalang dapat saakin si Alfie."nakangiti kong sagot.

Nakita kong gulat siyang napatingin saakin.

"Sa-Sandra"pag banggit niya.

"Yes you heard ang daming nag bago saakin simula ng bumalik ako at isa naron ang ugali ko."sagot ko. Di ko napigilan at hinawakan ko siya sa may pulsuhan. Naramdaman kong nag pupumiglas siya.

"a-aray S-Sandra."daing niya.

"kaya kung ako sayo dumestansya ka sa kalandian mo sa kakatihan mo dahil walang mas gugustuhin umibig sayo dahil bakla kalang."naiinis kong sabi.

Nakita ko talaga ang gulat at tulala sa mukha niya. Ha mukang di makapaniwala ah.

Nagulat nalang ako ng biglang may humatak kay Elsie at yumakap. Nagulat ako kasi si Alfie pala.

"Sandra anong ibig sabihin nito?"takang tanong ni Alfie.

OMG! Noooooo.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan nakita ko rin ang gulat sa mga mukha nila.

Di ko alam ang gagawin kaya tumakbo nalang ako palabas.

Napansin kong hinahabol din ako ng mga kaibigan ko ng makakita ako ng puno nag tago ako sa likod non. Hanggang sa maabutan nila ako.

"Sandra anong ginawa mo?"may inis na sabi saakin ni Pat tumango naman si Brith.

Kahit ako nagulat di ko lang siguro napigilan ang sarili ko.

"e-ewan ko."sagot ko. Napahilamos naman ng mukha si Pat.

"Sandra maling move ang ginawa mo dahil sa ginawa mo nalaman na nila ang totoong ikaw."sabi saakin ni Brith.

Tama siya ngayon alam na nila ang totoo kong ugali. Paano na toh.

"anong gagawin ko?"nag aalala kong tanong. Ayokong masira ang pag kakaibigan namin ni Alfie kailan mapasakin siya.

"kailangan mo mag sinungaling na may sakit ka basta ano ahhhh arghhhh."naiinis na sabi ni Brith kahit siya di niya alam.

"alam ko na."sagot ko.

Alam ko na para luminis ang tingin saakin ni Alfie.

~Elsie's P.O.V~

"ayos kalang?"tanong saakin ni Alfie habang yakap yakap niya ako.

Si Sandra ba yun? Bakit parang nag iba na siya kitang kita ko ang galit at inis niya kanina parang may malaki siyang pinag huhugutan ka niya nagawa yun.

Ang sabi ni kailan mapasakanya si Alfie di kaya ginawa niya lahat ng yun para mag pa impress kay Alfie?

Ibig sabihin plano ang lahat ng yon?

"Elsie okay kalang ba?"tanong ulit niya saakin.

Napatingin naman ako sa kanya.

"a-ayos lang ako."sagot ko.

"teka nga ano bang nangyari?"tanong niya.

Kahit ako di ko alam ang bilis ng pangyayari eh.

"ewan ko umuwi nalang tayo."sagot ko. Saka kinuha ang bag ko.

Bakit ganon na ang ugali ni Sandra kala ko pa naman mabait siya. Plastic lang ba ang lahat ng ginawa niya?

Ang dami kong tanong pero wala namang sagot eh. Ang gulooo pa.

************

Habang nag lalakad kami nagulat ako ng biglang may humintong itim na vam sa saamin.

Nagulat ako ng biglang nilang hawakan si Alfie at pinag susuntok.

"ALFIIEEEE!!!!"

sisigaw pa sana ako ng tutukan ako ng baril ng isa.

"SIGE MAG SALITA KA PASASABUGIN KO YANG BUNGO MO!!!!"sigaw niya sakin. Napatahimik naman ako.

Kitang kita ko kung paano lumabas sa bunganga at ilong niya yung dugo.

"HMMMMMMPPPPP!!!!!"impit kong sigaw ng masiguro nilang hinang hina na si Alfie lahat sila ay sumakay.

"ALFIEEEEE!!!!""sigaw ko at lumapit sa kanya. Kitang kita ko ang hina sa mukha niya.

"TULONGGGGGG!!!!!!"sigaw ko pero walang ka bahay bahay dito.

Nakita kong minulat niya yung mga mata niya.

"Elsie salamat ha."sagot niya.

"hindi.....hindi...TULONGGGGG."sigaw ko. Naiiyak na ako.

Maya maya pa biglang may humintong sasakyan nagulat ako sa mga bumaba sila Sandra.

"anong nangyari dito?"nag aalalang tanong ni Sandra.

"ma-may bu-bumugbog sakanya."sagot ko.

"ANO?!"sigaw ni Sandra.

"tara na dalhin natin siya sa hospital."sagot ni Pat. Pumasok narin ako sa loob ng kotse.

"BILISAN MO NGA YUNG PAG DRADRIVE!"sigaw ni Sandra sa driver. Nagulat ako sa inasal ni Sandra.

Ibang iba na siya ngayon..

~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon