PSP - 52

451 35 0
                                    

~Elsie's P.O.V~

"GoodNight babe, galingan mo sa schooling mo ha kahit wala ako alagaan mo sarili mo pero dadaanan naman kita kapag hindi ako busy. Sige babe byee. GoodNight again."

pagbasa ko sa text ni Aaron.

Napahawak nalang ako sa mukha ko na kala mo binabad sa apoy na sobrang init.

Kinikilig ako sa mga sinabi niya ngayon. Mukang sincere talaga siya sa mga sinasabi niya.

"wag na nakakahiya na kaya baka sabihin nila ginagamit kang kita, sige na GoodNight rin."balik kong text sa kanya.

Ibaba ko na sana yung cellphone ko ng biglang tumunog.

Pag tingin ko nagulat ako kasi si Alfie ang nag text. Ano kaya tong sasabihin niya gabi na.

From: Alfie

Sisi Maraming salamat dahil pumayag ka kanina ha, sige na GoodNight.

Pag kabasa ko ng text niya bigla akong naestatwa. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon nalang siya ulit nag text saakin.

Tetext ko ba siya? O hindi?

To: Alfie

Wala yun GoodNight rin.

Balik kong text at pinatay ko na ang Cellphone ko.

************

Nagising nalang ako ng maramdamang kong may mabigat na nakayakap saakin. Napadilat ako.

"Aaron, anong ginagawa mo rito? Ang aga aga."bulyaw ko sakanya kasi naman kay aga aga andito nangangapit bahay.

"hmmmmmm.... GoodMorning babe."bati niya saakin na kala mo walang narinig sa sinabi ko.

"GoodMorning GoodMorning ka diyan, tse ano nga ginagawa mo rito?"tanong ko ulit at tinanggal ang kamay niya pero hinigpitan niya lalo.

"bakit ang aga aga ang init ng ulo mo babe?"malambing na tanong niya saakin.

"tanggalin mo muna kamay mo."utos ko sakanya tinggal naman niya at umupo ako.

"kasi naman ang aga aga andito ka."sagot ko.

Umupo rin siya at ngumiti. Ang gwapo naman niya. Ang hot rin niya ngayon ko nalang ulit napansin.

Ang hot rin ng adams apple niya sa mga korean hot boys ko lang nakikita ang ganyang mga Adams apple although meron din akong adams apple kaso maliit lang.

"baka tumulo laway mo niyan katititig saakin."nabalik lang ako sa Realidad ng sabihin niya yon.

Nakangiti siyang nakatingin saakin.

"bakit?"taka kong tanong.

"pwede mo naman ako yakapin anytime you want. Ugh."ungol niya.

Ilang minuto ko rin bago na gets.

"Bastos"sagot ko binato ko muna siya ng unan bago pumasok sa C.R.

Ilang minuto ako sa loob ng C.R at lumabas na. Pag labas ko ganon parin ang ayos niya.

"baba naba tayo?"parang bata niyang tanong.

"sandali"sagot ko umupo muna ako sa salamin at nag lagay ng moisturizer sa mukha.

Napansin ko si Aaron na nakatingin rin sa salamin.

"bakit?"tanong ko. Ngumiti muna siya bago sumagot.

"ang ganda mo naman babe, para kang babae kahit gumalaw parang babae."puri niya saakin.

"kulang nalang pe---"di na niya natapos kasi bigla ko siyang binato ng pulbo sa may tabi ko.

"aray"rinig kong sabi niya bago ako lumabas pinto.

Nang makababa ako naabutan ko si mama na nag aayos ng almusal.

"Ma tulungan na kita."pag presinta ko at tinulungan siya.

Nang matapos siya ring pag baba ni Aaron habang hawak hawak ang gilid ng noo niya.

"Oh Aaron anak. Andito kana pala tara na't kakain na."pag tawag ni mama kay Aaron.

Ng makaupo kami napansin kong parang namumula ang mga mata ni Aaron.

"oh Aaron anong nangyari sayo masakit ba ulo mo?"tanong ni mama kay Aaron.

Tumingin muna saakin si Aaron bago sumagot.

"ah medyo po tita nauntog po. Arayy ko poo."daing ni Aaron kita ko sa mata niya na nangingintab. Hala!

Nasaktan ba siya? Nagulat ako kasi pag katanggal ng kamay niya sa noo niya may malaking bukol.

OMG ano yung binato ko?

"Jusko Aaron anak, anong nangyari sayo."nag aalalang tanong ni Mama.

Tatayo na sana si mama ng pigilan ko siya.

"Ma ako na"sagot ko at tumayo. Kumuha ako ng yelo sa ref bimpo at planggana.

Hinila ko si Aaron paakyat sa kwarto ko.

"umupo ka muna."sabi ko sakanya.

Habang nag liligpit ako napansin ko yung foundation ni mama yung parang bakal na lalagyanan. Di kaya...

"hmm... Aaron ito ba yung nabato ko?"tanong ko. Tumango naman siya habang hinihimas ang gilid ng noo niya.

Umupo na ako at kinuha ang yelo.

"masakit ba?"malambing kong tanong.

Tumango naman siya na parang bata.

"sorry ha di ko sinasadya."sagot ko niyakap ko siya. Naiiyak na ako. Ang babaw ng iyak ko.

"tahan na babe"sabi niya.

"sorry talaga kung di ko sana binato di ka mag kakabukol."sagot ko hinihimas naman niya ang likod ko.

"okay lang yun babe basta ikaw."sabi niya. Hinampas ko naman siya.

"aray koooo... Para san yun?"tanong niya.

"may bukol ka na nga nakukuha mo pang mag biro."sagot ko.

Inumpisahan ko ng ipahid yung yelo sa bukol niya. Habang pinapahid ko di ko maiwasang mapadaan yung mata ko sa labi niya. Pulang pula rin gaya ng nakikita ko sa korean boys.

Hindi naman siya siguro marunong mag liptint sadyang pula lang. Hindi rin naman ako marunong mag liptint eh.

Nakita kong papalapit na yung labi niya. Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla nalang akong napapikit. Naramdaman ko nalang na lumapat na ang labi niya.

Malambot ang labi niya inalalayan niya yung likod ko pahiga gamit yung kamay niya. Nabitawan ko nalang yung yelo at nag gawa ng ingay pero di ko yun inisip. Inihiga niya ako at pumatong siya saakin.

Gumalaw siya at sinundan ko naman ang galing niya humalik. Ewan ko feeling ko professional siya. Di kaya....

"Jusko santo berbo!"napabitaw kaming dalawa ni Aaron ng makarinig kami ng sigaw.

Napaayos kami ng upo at nakita ko yung yelo at pinulot.

"T-tita k-kanina ka pa po?"medyo nauutal na tanong ni Aaron.

"kararating ko lang jusko ano yun? Kala ko pa naman Elsie ginagamot mo lang si Aaron yun pala may iba na kayong ginagawa."sagot ni Mama.

"M-mama b-bakit ka nga p-pala andito ma?"nauutal kong tanong.

"umakyat ako rito kasi nakarinig ako ng kalabog kala ko kung ano.... Pero iba ang nakita ko."sagot ni mama. Medyo nahiya naman ako sa sagot ni mama.

Napaiwas nalang ako ng tingin.

"bumaba na kayo pag katapos"rinig kong sabi ni mama at sinara ang pinto.....

~~~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon