PSP - 58

394 31 1
                                    

~Elsie's P.O.V~

"Elsie gusto niyo ihatid ko na kayo? Papahatid ko kayo sa driver namin."yaya saamin ni Sandra.

Napatingin naman saakin si Alfie.

"hindi naman sa pag tatanggi Sandra mag cocomute nalang sana kami."nakangiti kong sagot. Nakita ko namang tumango si Alfie.

"natatakot ba kayo?"singit ni Pat. Ewan ko kung pag ka sarcastic yung pag kakasabi niya.

"hindi naman sa ganon diba parang nakakahiya na."sagot ko. Bigla namang hinawakan ni Sandra yung braso ko.

"wag kang mahiya Elsie diba dati ko na tong ginagawa di kapa ba nasasanay, kulang na nga lang sa bahay na kayo matulog diba."sabi niya saakin sabay pisip sa braso ko.

Ewan ko pero nasaktan ako sa pag pisil niya na animoy nang gigigil siya.

Napatingin naman ako kay Alfie. Tumango nalang siya.

"sige"maikli kong sagot.

"oh ayan naman pala eh, tara na."sabi ni Sandra kala ko ako ang hahawakan niya yun pala yung kamay ni Alfie ang hinawakan niya.

Di sa pag bibintang kasi parang may mali kay Sandra. Parang hindi na siya si Sandra na nakilala namin.

Nang makalabas kami nakita namin ang isang magarang sasakyan.

"sakay na kayo."sabi saamin ni Sandra.

Kala ko mag katabi kami ni Alfie pero mali ako ng akala. Mag katabi sila ni Sandra ang katabi ko si Pat at katabi ni Pat si Brith.

Sa unahan namin si Sandra at Alfie. Na naririnig kong nag haharutan. Para hindi ako mailang. Binuksan ko nalang yung Cellphone ko.

"Alfie nag kajowa kana?"rinig kong tanong sakanya ni Sandra kaya napahinto ako.

Hindi ako tumingin sa kanila nanatili lang akong nakikinig habang nakayuko.

"wala...pero may gusto meron."sagot niya. Napaisip naman ako di kaya si Megan?

Sabagay nalason na yung utak niya sa kademonyohan niyang Megan nayan.

"ahh bakla o babae?"tanong naman ni Pat.

Ewan ko kung pinariringgan ako ah. Di ko alam.

"Bakla"sagot niya.

Para naman akong naestatwa sa pag kakaupo. Bakla? Sino naman?

Ako? Assumera.

"bakla?"sabay na tanong ni Pat at Brith.

"oo mabait kasi siya."sagot ni Alfie. Napansin kong napatingin yung katabi ko saakin.

"hindi kaba tumitingin sa itsura?"tanong ni Sandra. Feeling ko may tunog na kontra dun sa tanong ni Sandra.

"hindi naman nababase sa itsura ang pag mamahal sa puso yun nababase kung paano mo siya mahalin hindi lang sa mukha pati na sa pag katao lalong lalo na ang ugali."sagot ni Alfie. Naramdaman kong natahimik yung tatlo.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon