PSP - 32

459 53 1
                                    

~Tiffany's P.O.V~

Kamusta na kaya si Bakla. Siguro naman magaan na ang loob niya. Pramis walang makakaalam kahit pinsan ko pa yang si Alfie syempre parang kapatid narin pero ayaw ko pa hanggat di pa sinasabi ni Baks.

Tok*Tok*Tok

Nakarinig ako ng katok. Siguro si Alfie na toh.

"Oh kayo pala"sabi ko pag kabukas ng pinto. Kasama nanaman niya yung higad na puro kapit lang ang alam.

"pwede mo naman kaming papasukin diba."singit ni Megan.

"sorry girl di ikaw ang kausap ko."sagot ko sabay taray.

"tara"sabi ko kay Alfie at pumasok sila.

Di manlang ako pinansin ni Alfie parang ang lungkot ng mukha niya. Dumeretso agad siya sa kwarto niya.

"Yeah! Im winner."natutuwang sabi ni Megan. Ano nanaman kayang nangyari sa babaeng toh. Nasisiraan na ng bait.

"pwede ka na umalis"sabi ko sa kanya sabay upo sa tapat niya.

"okay"sabi niya bago siya lumabas may sinabi siya.

"hindi ko hahayaan na makuha ni Elsie si Alfie. Hahaha kamusta na kaya yung bestfriend mong faggot?"tanong niya sabay sarado ng pinto.

Anong ibig niyang sabihin.

Kring!!kringg!!

Tinatawagan ko si Elsie pero hindi niya sinasagot. Hala! Anong na nangyari kay baks.

Sana naman walang nangyari or should i say walang mangyayari.

~Elsie's P.O.V~

Tanong ko lang. Bakit ganto yung nararamdaman ko.

Huhuhu.. Bakit ang sakit sakit ganto ba yung mararanasan mo kapag nainlove ka.

Oo may unting selos ako pero ang mas masakit yung hindi sinabi saakin ni Alfie. Kala ko ba walang lihiman. Parang dobleng sakit ang nararamdaman ko. Kanina pinipigilan ko lang lumuha......ayokong makita nila akong tulanan nasasaktan.

Kailangan kong mag pakatatag pero ngayon parang ang hina hina ko na. Sana pala di nalang ako nahulog kay Alfie kung ganto lang pala ang mararamdaman ko.

Ayoko munang humarap sa kanila na ganto ang sitwasyon ko lalong lalo na kay Tiffany alam kong kukulitin niya ako at kapag nalaman niya na si Megan ang may kagagawan.

Alam kong gagantihan niya yon. Yun ang ayaw kong mangyari baka mag aaway pa ang dalawang mag pinsan dahil saakin. Pinag pipilitan ako ni Tiffany sa pinsan niya pero di naman ako ang gusto diba.

Pero bakit ang sakit paulit ulit nalang. Ang sakit nga ng mga biro niya, biro palang yon pero pag ganun na harap harapan ang sakit. Lalo na babae yun syempre wala akong panalo dun bakla lang ako. Alam kong mas kakampihan yun ni Alfie pag nagkataon diba.

Paulit ulit paulit ulit. Bakla, babae. Aahhhhhhhhh!!!

Napaharap nalang ako sa salamin. Ilang oras lang pero pulang pula at magang maga ang mata ko. Ganto ba yun? Bakit kailangan ko tong maranasan.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon