PSP - 5

1K 81 0
                                    

~Elsie's P.O.V~

Habang hinihintay ko si Alfie pumasok sa kwarto ko, binuksan ko muna yung cellphone ko. Tamang browser lang.

Mga ilang minuto na ako na nag seselpon nag biglang bumukas yung pinto. At bumungad si Alfie.

"Alfie s------"hindi ko na natapos ng bigla niyang putulin.

"Meron kabang unan at kumot, paheram ako."pagputol niya sa sinabi ko.

Tumango nalang ako saka inabot sakanya. Pagkaabot ko ay tumayo ako para patayin yung ilaw.

Ayaw ko kasi ng may ilaw kapag matutulog. Gusto ko madilim.

Pahiga palang ako ng marinig ko yung bulong ni Alfie.

"ang lamig naman ng sahig."

Medyo naawa naman ako sakanya. Sabagay wala namang malisya kung papatabihin ko siya dito sa tabi ko.

Umupo ako saka nagsalita.

"dito ka nalang sa tabi ko matulog."ani ko.

"hindi wag na, nakakahiya naman sayo."sagot niya saakin.

Sus, nag iinarte pa.

"hindi naman, hindi ka paba sanay. Tsk, hali kana dito."

Nakita kong napatayo siya saka tumalon sa kama ko.

"Ok, salamat sisi ko labyu."sagot niya saakin.

Shemay. Medyo naapektuhan ako ng slight na kilig. Slight lang naman wag kayong ano.

Tumalikod nalang ako sakanya.

"Wag kang makulit ah."

"wag mo akong gagapangin."

Nagulat ako sa sinabi nito kaya napalingon ako sakanya.

"Ansasabe mo? Matulog na nga tayo. Puro ka harot."inis kong saad. Narinig kong napatawa siya.

*********

Nagising ako ng maramdaman kong may nagsasalita. Kaya napamulat ako.

"El-sie ang l-lamig."

Napaupo ako saka tumingin kay Alfie. Nakapikit siya habang nanginginig.

Kaya dalidali ko siyang kinumutan. Pero nanginginig parin siya. Kaya hinawakan ko na siya sa noo baka may lagnat siya, pero wala naman.

"Ya-kapin mo nalang a-ako."ani niya.

Hindi na ako nag daalwang isip na yakapin siya.

Lumapit ako sakanya saka niyakap siya, naramdaman ko nalang na hindi na siya nanginginig at humihilik na.

Natulog nalang din ako ng nakayakap sakanya.

~Alfie's P.O.V~

Nagising nalang ako ng may nakayakap saakin.

Naalala ko pala yung nangyari kagabi. Hindi ko naman kasi alam na sobrang lamig. Nasa kanya pa lahat ng kumot.

Napangiti ako kasi alam kong nagaalala din para saakin si Elsie.

Tinanggal ko na yung kamay niya saka bumangon. Alam kong naalimpungatan siya kagabi kaya hindi ko nalang ginising.

Pababa na ako ng makasalubong ko si Tita.

"Magandang Umaga po Tita."bati ko sakanya.

Ngumti naman siya pabalik saakin.

"Gising kana pala Alfie, teka gising narin ba si Elsie?"tanong nito saakin.

"hindi pa po eh, naalimpungatan po kasi kagabi."

"bakit may nangyari ba?"

"wala po nagising lang po siya."sagot ko.

Napatango naman siya saka kami sabay na pumunta ng kusina.

"dito kana muna maghapunan, para sabay sabay na tayong kumain."ani niya.

Naisipan ko naman na magluto, dati rati kasi ako ang nagpresintang magluto nun. Kaya ayun minsan ako ang nagluluto dito.

Bata palang ako ng turuan ako ni mama sa pagluluto. Marami narin akong alam na ulan at pagkain na pwedeng iluto.

"Ah tita pwede ako po ang magluto?"tanong ko kay tita.

Napatingin naman siya saakin saka ngumiti.

"oo naman, alam ko naman na marunong ka magluto eh."sagot niya saakin.

Pumunta naman ako sa ref nila saka naghanap ng pwedeng iluto.

Lumipas ang isang oras, natapos ko narin ang pagluluto. Ang niluto ko ay Bacon, itlog, sinangag, hotdog saka yung paborito ni Elsie na adobong paa. Paa ng manok yun.

Ewan ko ba kung bakit niya naging paborito yun. Eh ako medyo ayaw ko nun kasi nga mahirap kainin.

Ngumiti nalang ako, sigurado akong magugustuhan niya ito. Habang nilalagay ko yung mga pagkain sa lamesa nakarinig ako ng katok.

"Alfie pakitingnan nga kung sino yung kumakatok."utos saakin ni Tita.

"sige po."sagot ko.

Nagpunas muna ako ng kamay saka dumeretso sa pintuan.

"Oh insan anong ginagawa mo dito?"tanong ko kay Tiffany.

"tawagin sana kita, sinabihan kasi ako ni tito na may pupuntahan daw kayo kaya pinuntahan kita dito para ipaalam na aalis na kayo ngayon."sagot niya saakin.

Naalala ko pala yung sinabi ni mama saakin. Tumango nalang ako.

"Sige wait lang."sagot ko saka bumalik sa loob

"Tita mauna na pala po ako, hinahanap na po kasi ako ni papa po."ani ko.

"ganun ba, wait lang sige ipagbabalot na muna kita."sagot saakin ni Tita. Saka pumunta siya sa kusina.

Maya maya pa ay bumalik siya saakin saka inabot saakin yung tupperwear.

"salamat pala ulit."pagpapasalamat niya saakin.

"ok lang po, paano po mauna na po ako."paalam ko saka ngumiti. Saka lumabas na.

************

Habang nag lalakad kami nagsalita si Tiffany.

"Pinsan kaninong bahay yun? Dun kaba natulog?"sunod sunod niyang tanong saakin.

"Ahh kay Elsie yun, sanay narin ako na doon matulog."sagot ko.

"Talaga? May something kaya sainyo."

Rinig kong bulong niya.

"Naririnig ko."

"Alam ko."

~Elsie's P.O.V~

Nagising nalang ako ng wala na sa tabi ko si Alfie, kinapa kapa ko pa pero wala talaga siya.

Tumayo nalang ako saka dumeretso sa cr para gawin ang palagi kong ginagawa.

Nang matapos bumaba na ako ready to eat. Atsaka baka nasa baba na si Alfie.

"Ma? Anong almusal?"

"tingnan mo nalang diyan."

Ayan tayo, isa rin yan sa mga morning rituals ko. Sasabihin niya tingnan pero pagbubuksan ko na, boom wala.

Napapakit nalang ako.

Pagbukas ko......Shukaa..ano to handaan? Mga pagkain na matagal ng hindi naluto. At OMG! Yung paborito kong Adobong paa.

"Ma ano to? Himala? Antagal nang hindi naluto ang paborito ko ah."ani ko.

"ang daldal mo! Kumain ka nalang diyan, pasalamat ka at pinagluto kapa."sagot saakin ni mama na ipinagtaka ko.

"pinagluto? Sino ba ang nagluto nito??

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon