PSP - 6

959 72 0
                                    

~Elsie's P.O.V~

"si Alfie nagluto niyan."

"si Alfie?"taka kong tanong.

Sabagay, marunong pala siyang magluto.

"paulit ulit?"tanong niya saakin.

Ang aga aga sungit ni mader. Basta ako maganda ako.

"kain na nga ako."sagot ko saka tinikman yung adobong luto ni Alfie.

Ackkkkkk! Ang sharapp kasing sarap ng nagluto charot.

Totoo nga ang sarap pramis. Whahahaha! Parang lasang adobo, Ano kayang recipe ni Alfie dito bakit ganito kasarap.

"Ma oo nga pala nasaan po si Alfie?"tanong ko habang kumakain.

"Kaalis lang, pinabaunan ko na may sumundo kasi sakanya na babae."sagot ni mama na nagpatigil saakin.

Sino kayang babae? Wala naman akong maalala na may kaibigan kaming babae or kakilala ni Alfie. Maliban kay tita at kay Tiffany? Teka baka si Tiffany nga.

Pero ang alam ko hindi niya alam ang bahay namin. O baka naman tinuro ni tita Stella para sunduin si Alfie

Ewan ko basta ako kakain nalang ako.

~Alfie's P.O.V~

"Anak, bilisan mo baka malate ako magagalit ang amo ko."ani ni papa.

Tumango ako sana nagmadali.

Ang trabaho kasi ni papa ay isang trabahador ng boss nila hindi ko maexplain kasi hindi ko naman masyado inaalam.

Pero ang alam ko yung amo ni papa isang negosyante namay anak na pero wala na yung asawa niya, biyudo kumbaga.

"papa tara na po."saad ko saka kami sabay na lumabas.

Mga ilang oras din ang byahe ay narating narin namin yung bahay ng amo ni papa hindi lang basta bahay parang mansyon. Nakapunta na ako nung bata pa ako dito pero hindi ko akalain na ganto na pala ito ngayon.

Nabalik nalang ako sa realidad ng may magsalita.

"Magandang umaga Mang Orlando."rinig kong bati ni papa sa lalaking nagbabantay.

Napatingin naman siya saakin saka ngumiti.

"magandang umaga din, sandali anak mo ba itong batang ito?"tanong niya kay papa habang tinuturo ako.

Ngumti naman si papa saka sumagot, "oo anak ko yan."ani ni papa.

"abay gwapo ah."puri niya saakin. Medyo nahiya naman ako kaya napayuko nalang ako.

"syempre mana saakin, paano mauna na po kami."paalam ni papa kaya pumasok na kami sa loob.

"Oh Galvin andito kana pala, anak mo ba yan? Ang gwapo ah. Siguro maraming magiging babae yan."rinig kong salita ng isa sa mga ktrabaho ni papa.

"Hoy ikaw wag mo lokohin tong anak ko, mabait kaya to."sagot naman ni papa.

Dumeretso kami sa likod ng bahay.

Saka kami pumasok sa may kwarto dito. Pagpasok namin bumungad saamin ang isang lalaki na may katandaan na. Mga 40 plus siguro.

"Galvin your here, wait this is you're son?"tanong niya saamin.

"Yes po, si Alfie."sagot ni papa.

"Handsome name, Alfie."aniya pa ng lalaki.

Umupo muna ako sa gilid para makapagusap sila ni papa.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon