PSP - 46

445 36 2
                                    

~Elsie's P.O.V~

Nakatalikod lang siya saakin. Siguro may binibili. Hindi ko nalang muna siya papansin.

Nilagpasan ko nalang siya. Nagulat ako ng bigla niya akong tawagin.

"Elsie"tawag niya saakin. Napatigil naman ako sa pag lalakad.

"Sandali lang."sabi niya ulit at pinantayan ako.

"a-ah eh.... Alfie bakit?"tanong ko. Oo si Alfie tama kayo.

"ah saan ka pala galing at bakit ang dami mong bitbit?"tanong niya saakin.

"a-ah n-nag o-outing lang."sagot ko. Tumango naman siya.

Sabay na kaming nag lakad. Tahimik lang kami.

"ako na mag bitbit."sabi niya sabay kuha ng mga gamit. Medyo kinilig ako ron. Ene be. Hayaan niyo nga ako mga bitter. Charot.

"salamat, ano nga palang sasabihin mo. Bakit mo ko tinawag?"tanong ko sa kanya. Napatingin muna siya saakin.

Shocks namiss ko yung mukha at ngiti at boses at presensya lahat lahat. Promise.

"ah gusto mo ba sumama saakin ipapakilala kita kay Helena."sagot niya. Napakunot naman ako.

"Helena?"tanong ko. Tumango naman siya.

"oo, kapatid ni Megan."sagot niya. Para naman akong natigil sa sinabi niya.

"a-h s-so mag kapatid sila?"tanong ko.

"oo, ano sama ka?"tanong niya. Medyo nalungkot ako kasi parang ang turing niya saakin tropa. Ewww.

"a-ah e-ewan ko."sagot ko. Napakunot naman siya.

"bakit ka nauutal? May sakit kaba?"sunod sunod na tanong niya. Nagulat ako ng bigla niyang idampi ang kamay niya sa leeg ko.

Di ako nakagalaw.

"oh bakit ka huminto? Di ka naman mainit ah"sabi niya sabay tanggal ng kamay.

"a-ah e-eh"sagot ko.

"ano nga?"natatawang niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya kaya sumeryoso rin siya.

"me-medyo nah-ih---"di kona natapos nag biglang mag dilim ang paningin ko.....

~Tiffany's P.O.V~

Tok*Tok*Tok*Tok

Nakarinig ako ng malalakas na katok. Sino ba yon kung makakatok kala mo walang bukas.

"SINO BA----"di ko na natapos kasi nakita kong buhat buhat ni Alfie si Elsie na walang malay.

"HALA!"sigaw ko at dali dali silang pinasok.

Nang maihiga namin si Elsie tinanong ko si Alfie.

"insan anong nangyare?"nag aalala kong tanong.

Napatingin naman siya saakin ng may pag aalala.

"nag uusap lang kami, tapos bigla siyang nautal tapos parang siyang kinakabahan. Tapos biglang nawalan siya ng malay buti nasalo ko siya."sagot naman ni Alfie saakin.

Napaisip naman ako di kaya pagod tong si bes or......

"ahh ok baka pagod lang"diko kumbinsidong sagot. Alam kong may iba pang dahilan. Yun ang aalamin ko.

"hmm.... Tiff ikaw muna mag babantay kay Elsie. Bibili lang ako sa palengke, mag luluto sakto baka gutom lang si Elsie. Sige na mauna na ako."paalam niya at lumabas na ng pintuan.

Hmmm...... Nahimatay si Elsie dahil nauutal at kinakabahan di kaya nauutal siya kasi ngayon nalang ulit niya nakausap si Alfie ng malapitan?

Or kinakabahan kasi.....kasama niya ito. Diba yun ang mga posibleng tanong.

At ngayon ko lang napansin na parang may nag bago kay Elsie. Wait.... Ah yung buhok niya at nakuha pang mag parlor ni Bakla ah.

Siguro paimpress hahahahaa.

*********

Habang nag cecellphone ako nakarinig ako ng mga ungol. Ungol pang bagong gising. Ganon.

Napatingin naman ako kay Elsie. At nakita ko itong nagising.

"Oh gising kana pala bes."sabi ko at lumapit sakanya.

"asaan ako?"tanong niya habang pumupungay pungay pa ang mga mata.

"andito ka sa bahay."sagot ko. Napakunot naman siya at napaupo.

"kala ko na ay oo nga pala n----"di na niya natapos kasi biglang akong nag salita.

"nahimatay ka, buhat buhat kapa ni Alfie."sagot ko. Nakita ko naman siyang medyo namula.

At umiwas ng tingin.

"hmm.. Teh bakit kaba nahimatay?"tanong ko sakanya. Napatingin muna siya saakin bago sumagot.

"ahh pagod lang siguro."sagot niya.

"Weh?"diko kumbinsidong tanong.

"oo nga."sagot ulit niya. Di ko na siya kinulit.

Nagtatawanan lang kami ng biglang bumukas ang pinto. Napatigil si Elsie sa pagtawa at parang naestatwa.

"Hmm... Okay kana ba Elsie?"tanong ni Alfie sakanya.

"a-ah oo okay na ako."sagot niya. Nakita kong ngumiti si Alfie pero biglang umiwas si Elsie.

"sige doon muna ako mag luluto ng pagkain."nakangiting umalis si Alfie.

Wala naman akong nakikitang something sa dalawa or akward. Napapansin ko lang si Elsie kapag kaharap si Alfie nag kakanda utal. Si Alfie naman umaakto lang na normal parang wala lang.

Wala rin akong nakikitang kakaiba sa kilos ni Alfie napapansin ko kasi panay ang alis niya.

"Elsie saan kaba galing at bakit ang dami mong dala?"tanong ko sa kanya.

"ahh nag outing kasi kami ng friend ko, beach resort nila."nakangiti niyang sagot. Ngayon ko nalang ulit nakitang nakangiti siya.


~~~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon