PSP - 76

357 27 5
                                    

~Elsie's P.O.V~

Nagising nalang ako dahil sa isang tunog sa cp ko. Wow first time kong magising ha.

Kinuha ko then chineck kung ano ang nag notif.

Wait si Terry toh ah. Nangbuksan ko ay ang gaga gumawa ng group. Ka ekekan talaga ni Bakla.

"Hi mga bakla." - Terry

"Good Morning sayo Terry." - Alfie

Ay bongga bukas din pala si Alfie. Ay wait mag chachat rin ako.

"Good Morning sainyooooo."bati ko sakanila.

"Good Morning sayo Terry." - Drake

Ay. Di ako natutuwa ah.

"so guys, sabado ngayon. Baka gusto niyong gawin yung project natin." - Drake

"tinatamad ako." - Terry

"bakit naman?" - Drake

"G ako diyan Drake so saan tayo?" - Pam

"Ahm. Sa house nalang namin." - Drake

"G kaba Els?" - Terry

" oo nga Sisi payag ka?" - Alfie

" ah sige kayo bahala."sagot ko.

"sige sunduin nalang kita sainyo." - Alfie

"ay bongga may pasundo, sana ol." - Terry

" oo nga ganda ni bakla." - Pam

Ay inasar ako oh. Mga gaga talaga.

"hey Terry gusto mo sunduin kita diyan sa inyo?" - Drake

"Oh isa pa si bakla, pak ang tataray niyo." - Pam

"No need, kaya ko naman." - Terry

Ayan nanaman siya pati sa chat ang taray at ang sungit. Ewan ko ba kung bakit ganern nalang nag trato. Haystt.

"sige na bakla maghanda na kayo dami niyong dada." - sabi ko kasi baka mag away pa ang dalawa. Shuta.

"sige." - Pam

" Gora." - Terry

" See yah." - Drake

"sige, sundin kita diyan ah." - Alfie

Pagkatapos ay pinatay ko na ang cp ko. Para maghanda na. Yies.

"Ma, pa good morning, ma may project po kami ng mga classmate ko po dun po kami sa bahay po ng isa kong kagroup po, wag po kayong mag alala. Kagroup ko naman po si Alfie po."mahaba kong sabi.

Ngumiti naman silang dalawa.

"o sige anak basta mag ingat kayo ha."paalala ni papa. Tumango naman ako.

"opo pa, akyat na po ako para mag ayos po."sabi ko sakanila sabay akyat.

*********

Tapos na ako magbihis at tumingin ako sa salamin. Suot ko ngayon ay isang black na t-shirt na may pink sa kwelyo then isang jogger na black then shoes na white. Note may headband akong suot kulay dilaw.

"anak andito na si Alfie!"rinig kong sigaw ni mama. Kaya dali dali akong bumaba.

"a-ah e-eh, t-tara na?"nauutal na tanong ni Alfie.

Hala grabe siya. Bakit kaya siya parang natulala. Teka wait may dumi bago sa mukha.

"ah sandali ah."sagot ko sabay pasok sa cr.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon