PSP - 65

374 30 2
                                    

~Elsie's P.O.V~

Nag palinga linga ako sa mga puno baka sakaling nakaupo or nakayuko siya.

Maya maya pa may dumaang dalawang babae. Nilapitan ko sila at tinanong.

"ah ate may nakita po ba kayong lalaki na nakajersey?"tanong ko sakanila.

Napatingin muna sila saakin bago sumagot.

"Si Frank ba? Tumakbo papunta doon."sagot nung isa papunta sa Cr ata.

"ah sige salamat."sagot ko at tumakbo papunta roon.

Nang makita kong nakaawang pumasok ako nakita ko si Frank na nakatitig sa salamin.

"Frank ano bang ginawa mo? Bakit ka nag walk out diba kaba nahihiya sa coach mo?"sunod sunod kong tanong sakanya.

"wala akong pake."sagot niya. Napahilamos naman ako sa mukha.

"anong wala kang pake naririnig mo ba yang sinasabi mo ha."bulyaw ko sakanya.

"gusto mo bang malaman kung bakit?"parang demonyo niyang tanong na nakangisi sabay dahan dahang lumapit saakin.

Para naman akong kinabahan kaya napaatras ako.

"a-anong gi-ginawa mo?"nauutal kong tanong.

Mas lalo akong kinabahan ng maramdaman ko na ding ding na pala ng banyo yung nasa likod ko.

Biglang niyang hinarang ang dalawa niyang kamay sa mag kabila kong gilid.

"ano ba Frank."inis kong sabi. Bigla niyang inilapit yung mukha niya saakin.

"bakit di ka nag cheer saakin kanina ha?"tanong niya saakin. Hanodawwww.

"huh? Ano naman kung hindi eh marami pa ngang mas malalakas ang nag checheer sayo eh."sagot ko.

Napailing naman siya.

"hindi gusto ko ikaw."sagot niya. Lalo akong napakunot.

"ano bang minemean mo ha."inis kong sabi. Ang akward kasi mag kalapit kami ng mukha habang nag uusap.

"kasi gusto kita."sagot niya. Nagulat naman ako sa sinabi nito at ang mas kinagulat ko na bigla niya akong halikan.

Naramdaman kong pinipilit niyang pinapasok yung dila niya sa bibig ko.

Napatingin naman ako sa likod niya. Napalaki ako ng mata dahil may tao pala kaya tinulak ko siya ng pag kalakas lakas.

Nabigla rin si Frank sa nakita niya.

"Elsie, Frank anong ibig sabihin nito?"tanong saamin ni Alfie.

"Ma-mali ka ng iniisip Alfie."sagot ko.

"hindi hindi ano yung nakita ko?"taka niyang tanong.

"walang ibig sabihin niyon."sagot ko.

Hinatak ko naman si Frank palabas dahil di ko kaya parang di ako makahinga.

Nang mapansin kong walang tao huminto ako at hinarap siya.

"Frank bakit mo yun ginawa?"inis kong tanong.

"kasi nga gusto kita."sagot niya.

"Frank may boyfriend ako."sagot ko. Nakita kong napangisi siya di ko nakita na nagulat or ano sa reaksiyon niya.

"siya ba yun? So nakita na niya tayo."nakangisi niyang sagot.

"hindi mali ka iba, iba ang boyfriend ko."sagot ko. Nakita kong napatigil siya.

"iba?"

"oo iba kaya pleasee tumigil kana."sagot ko.

Mag sasalita pa sana ako ng bigla siyang tumakbo paalis.

Bumalik nalang ako sa classroom pag pasok ko nakita ko silang lahat napatigil at napatingin saakin.

Nakita ko rin si Alfie na nakatingin lang saakin kahit sila Sandra.

Tahimik lang ako na bumalik sa upuan at tumingin sa bintana. Napansin kong wala si Frank andito yung gamit niya pero wala siya. Sabagay mabuti narin yun.

***********

Natapos ang isang subject at tumunog ang bell hudyat na recess na.

Hanggang ngayon wala parin si Frank di ko nalang siya alalahanin. Basta kakalimutan ko ang mga nangyari kanina.

Lumabas na ako at dumeretso sa cafeteria nakita ko doon masayang kumakain sila Sandra at Alfie kasama ang dalawang kaibigan ni Sandra.

Napatigil naman sila ng mapadaan ako sa kanila. Nilagpasan ko nalang sila bumili ng pagkain.

Ng makabili na ako nag hanap ako ng pandalawahang upuan. Ng makahanap umupo na ako nag simulang kumain.

Habang kumakain ako nakita kong may umupong babae sa harapan ko.

"pwede paupo?"tanong niya.

"nakaupo ka na nga eh."natatawa kong sagot.

"ang harsh mo naman AHAHAA by the way Ako nga pala si Pamela Jean Velasco."pakilala niya sabay abot ng kamay. Inabot ko naman at nag salita.

"Elsie Vicente."pakilala ko.

Habang kumakain kami nag tatawanan kami masasabi kong mag kakilala na kami ni Pam, Pam nalang raw para madali kasi pangit daw pag Pamela eh.

Ng matapos sabay rin kaming bumalik sa classroom.

"Teka nga Elsie mag jowa ba kayo ni Sanchez?"tanong niya saakin. Napatingin naman ako sakanya.

"ah hindi bakit mo na tanong."sagot ko.

"wala lang nakakahalata kasi eh pero may jowa ka?"tanong ulit niya saakin.

"Meron AHAHAHAAA."sagot ko.

"talaga sana ol naunahan mo pa ako ah."sagot niya.

"HAAHHAHAA unahan lang yan jowk lang."sabi ko naman nag tawanan nalang kami. Napatigil naman kami ng biglang may humarang saamin.

Tatlo sila hulaan niyo nalang kung sino. Napairap nalang ako talagang kalaban na ang turing niya saakin. Sige kung yan ang gusto niya pag bigyan...

~~~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon