PSP - 70

414 29 2
                                    

~Elsie's P.O.V~

"andito kana pala ang bilis ah."sabi ko ng makita ko siyang nakatayo habang nakamasid sa mga puno. Andito kami ngayon sa dalampasigan dito ko naisipin mag usap tutal ilang linggo na ako di nakakapunta rito.

"syempre pag chika mabilis ako."nakangiti niyang sagot sabay upo. Umupo narin ako.

"kamusta anong ganap sa school?"tanong ko.

Napatingin muna siya saakin.

"bakit?"taka kong tanong kasi naman nakatitig siya saakin.

"diba dapat ako ang nag tatanong niyan sayo. Kamusta? Anong ganap sayo?"balik niyang tanong saakin.

"wala tinamad lang ako."sagot ko. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang leeg ko.

"talaga? Mainit ka may sakit ka tapos matamlay ka tapos yung mata mo parang galing sa iyak. Tell me may nangyari ba?"tanong nito saakin.

"investegador lang ang peg?"natatawa kong sagot.

"syempre marunong ako sa ganyan eh natuto ako kila Sandra."sagot nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Sandra? Natuto ka? Naging friend mo siya?"sunod sunod kong tanong.

"yas, dati kaso umalis ako sa grupo."sagot niya.

"bakit di mo sinabi?"tanong ko. Corious lang ako kung bakit.

"ewan. Teka bakit saakin napunta nag usapan ikaw bakit ka hiniwalayan ng boyfriend mo?"tanong na mas nagpagulat saakin.

Napaiwas naman ako at napabuntong hininga.

"mahabang kwento."maikli kong sagot.

"kwento mo na tutal andito narin tayo."sagot niya.

Napatingin muna ako sa reflection ko sa tubig. Habang kinukwento ko sakanya lahat.

"Awww ganun pala."sagot niya matapos kong ikwento lahat lahat.

"......"

"huy"pagtawag niya sakin. Napatingin naman ako sakanya.

"Ano?"tanong ko.

"bakit ka nag eemote...kawalan ba siya."

Napatigil naman ako sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"bakit mo siya iiyakan..baks marami pang lalaki diyan di lang siya tsaka wag ka ngang umasa di kana man babae."sinamaan ko naman siya ng tingin at ang gaga tumawa lang.

"tss. Tama ka kaso ang sakit mo mag salita gaga ka."natatawa kong sabi.

"oo naman bakit mo siya iiyakan bakit ka mag mumukmok dahil sa kanya bakit ka tatamarin dahil sa kanya...bakit kapag ba nawala siya parang mawawala narin ang buhay mo baks..isipin mo pamilya mo, ako at ang mga nag mamahal sayo."paliwanag nito saakin.

Napaluha naman ako sa sinabi nito at dahan dahan siyang niyakap.

"oh ano ok kana?"bulong niya sakin.

"salamat"sagot ko.

**********

"Hi Tita"bati ni pat kay mama. Napatingin naman si mama kay pat at ngumiti

"Hi iha kaibigan kaba nitong anak ko?"tanong ni mama.

"ahhh opo kaibigan ko po siya hehe."sagot niya. Ang bruha nag pabebe pa. Gaga talaga.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon