PSP - 78

350 24 3
                                    

~Elsie's P.O.V~

Andito na kami ngayon sa sasakyan. Kakatapos lang namin kumain then umalis narin agad.

Habang nag cecellphone ako ngayon ko lang napansin na may mga ibang bag.

Napatingin naman ako sa dalawa na busy din sa mga cellphone nila.

"Huy bakit ang daming mga gamit? An'meron?"sunod sunod kong tanong.

"magoovernight tayo."sagot ni Terry habang nakatingin parin sa cellphone niya.

"huh? Tayo as in tayong lahat kasama ako?"tanong ko pa.

"oo nga."sagot pa ni Terry.

"huy bahala kayo di ako na----"di ko na natapos ng biglang sumingit si Alfie.

"pinaalam na kita."

Napatingin naman ako sakanya.

"totoo?"di ko makapaniwalang tanong.

"oo nga promise."sagot sabay taas ng kamay na parang nanunumpa.

"eh paano yan wala tayong damit or anything manlang."sagot ko naman.

"Dont worry lahat ng kailan mo nasa bahay na."singit naman ni Drake.

Napangiti ako.

"sige, exciting."sagot ko nalang.

*********

Napanganga ako sa ganda ng bahay nila Drake. Sobranggggg kabog.

Parang kasya lahat ng nakatira sa lugar namin dito sa bahay nila. Grabe ang laki.

"baka pasukin ng langaw yang bibig mo sige ka."rinig kong bulong kaya napalingon ako. Kita ko si Alfie na nakangiti sabay takbo.

"Bastos!"sigaw ko.

"huy grabe dito talaga sa labas nag lalandian."singit naman ni Pam.

Tinarayan ko nalang siya at sabay sabay na kaming pumasok.

Pagpasok namin sa loob. Kung anong ganda sa labas triple naman ang ganda sa loob.

Gagi parang mansion ng pangulo. Ang ganda............ko.

"tara ihatid ko kayo sa kwarto niyo."sagot ni Drake. Mukang pinaghandaan ah.

"ah eh pwede mag tanong?"tanong ni Terry.

"sure, ano yun?"tanong naman ni Drake na todo ang ngiti.

"pwede bang iisang kwarto nalang kami nila Pam at ni Els?"tanong ni Terry.

Kita ko naman ang lungkot sa mukha ni Drake.

"bakit? Ayaw niyo ba yung setup na magkasama tayo, tapos sila Elsie at Alfie?"tanong saamin ni Drake.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"so ano ako dito? Kasambahay?" biglang singit ni Pam. Ay shocks.

"mali ka kasi Drake kaming tatlo, kayong dalawa."sagot ni Terry.

Napatango naman si Alfie.

"Oo nga pre, pabayaan mo silang tatlo. Tama naman magkahiwalay boys and girls."sabat ni Alfie.

Sumang ayon naman kami sa sinabi niya. At the same time kinilig, ano ba kayo girl daw ako.

Napakamot nalang si Drake.

"sige na nga, tara na."

At sabay sabay na kaming umakyat. Napansin ko na ang tahimik ng bahay.

"Ah Drake tanong lang, sino sino kasama mo dito sa bahay niyo?"tanong ko.

Napatingin siya saakin sabay ngiti.

"si mommy and daddy lang may kapatid ako dalawa kaso nasa ibang bansa may mga pamilya na."sagot niya.

Napangiti ako at tumango.

"anyways, ito pala yung kwarto niyo."sabi ni Drake sabay bukas ng isang pinto.

Napanganga ulit ako sa ganda. Kung iuugnay ko to sa bahay siguro buong sala kasama yung kusina namin ang laki nito. Eh dito kwarto palang. Shuta.

"At Elsie andyan na pala damit mo tapos yung mga iba pa."sagot niya ulit.

"teka nga ilang araw ba tayo mag oovernight?"taka kong tanong.

"2 gabi."sagot ni Drake. Ahhh ok.

"sige pasok na kayo dun na kami ni Alfie sa isang kwarto."dagdag pa ni Drake

Tumango ako sabay pasok, sinarado ni Terry sabay lock.

At yun nagtatawanan kami sa loob, tatlong kama pala toh kaya tig iisa kami.

"so bakla, kwento kana di natin natapos kanina eh."biglang sabi ni Pam.

Inisip ko naman kung ano yung pinagkwentuhan namin kanina. Pero wala akong maalala.

"huh? Wala naman ata tayong pinagkwentuhan?"taka kong tanong.

"wala daw, diba may gusto ka kay Alfie?"

Napatingin naman ako dito, tapos umiwas.

"may sinabi bako parang wala naman."pag dedeny ko pa. Kaso silang dalawa talaga di naniniwala.

"weee, sige na makikinig kami promise di namin ito sasabihin sakanya."singit naman ni Pam.

Kaya ayun nag story telling ako sakanila.

"ahhhh soo ganun pala, so bago naging kayo ni Aaron may crush kana kay Alfie?"pag cocorect ni Pam.

"oo eh."sagot ko.

"note first kiss pa niya, yieeeee."dagdag pa ni Terry.

Sa sobrang kilig ay napahiga nalang ako sa kama.

~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon